Komunikasyon

    Cellphones, Internet, Mail

    Hello :) Kumusta?
    IID? Credit card? Toothbrush? ☺ Sure naman akong meron ka na lahat nang kakailanganin mo… at isa pa: wag mong kalimutang isulat lahat ng mga address ng mga kamag-anak at kaibigan mo!
    Well, matutuwa sila kapag pinadalhan mo sila ng sulat o postcard!
    HaHaHa :) oo nga, alam ko, at nagcha-chat pa tayo ngayon! Pero maganda naman talagang makakuha ng mga personal postcards at sulat dito sa Germany. Sinusulatan ko pa nga yung pamilya ko tuwing pasko, eh. Nako ‘di ka maniniwala, sobrang saya lang nila!
    Parang dito lang sa Pilipinas! Pero dahil may internet na, mas kaunting sulat at personal greetings na lang ang pinapadala by post. Espesyal kayang makatanggap ng sulat na sulat-kamay talaga!
    … wait. ‘Di gano’n ka-simple yan dito. Madalas kailangan mo magpakita ng ID. Gano’n kasi sa akin, at least, two years ago no’ng bumili ako ng SIM card sa isang phone shop. Pero pagkatapos naman, na-activate na rin siya kaagad. Kapag bibili ka ng card online o sa technical store, kailangan mo mag-register online tapos i-activate mo.
    Pero dapat mabilis lang ‘yun. Suggestion ko, bumili ka ng SIM card sa phone shop pagkadating mo, tapos punt aka sa internet café, o kaya naman, tanong mo sa kaibigan mo kung pwede nilang i-activate para sa ‘yo.
    … pero sandali lang: ‘di ga’nong kadami ang internet cafés sa Germany gaya ng sa Pilipinas. Kaya kung ako sa ‘yo, kumuha ka na lang muna ng SIM card na may internet flat rate. Mas mahal nga lang ng kaunti, pero mas mura pa rin ‘yun kaysa kung bibili ka ng normal na prepaid card tapos mag-aapply ka para sa internet.
      Social Networks

      Magselfie ka rin na naka-long underpants. :)
      Matatawa lang sila  Baka nga wala rin silang facebook eh.
      Tama. Marami rin namang nagfe-facebook at lahat sa Germany, pero hindi kasing dalas natin sa Pilipinas. Alam mo bang tayo raw ang “Social Networking Capital of the World”? Tayo raw kasi may pinakamaraming active users ng social networks sa buong mundo.
      Dunno. Pero nagtaka rin ako bakit walang facebook mga nakikilala ko dito. At hindi rin sila konti! Mas nagtetext kasi sila, What's app, Viber, o ibang messaging program na pwedeng pantawag.
        Media Rights and GEZ Television Licenses

        Oo naman, ginagawa ko dn yan! Karamihan na kasi ng mga TV programs ay available na din sa mga media library. Mapapanood mo na dn ang mga latest news, reports, at mga movies. Praktikal na din sya kung tutuusin kung wala kang TV.
        Tama ka dyan. At kahit na walang kang TV, kalingan mo pa ding magbayad para sa licence neto, o yung tinatawag nilang. GEZ-Gebühr. Ang license nai to ay nag-fi-finance para sa mga open programs at kailangang bayaran ng bawat unit ng apartment. Sa ngayong, ito ay aabot sa 17.98 Euros kada buwan. Pwede ka rin naman makaligtas sa mga kondisyon nila, pero wala akong masyadong alam tungkol dun. Pwede mo itong puntahan kung gusto mong malaman ang iba pa: http://www.rundfunkbeitrag.de/informationen/buergerinnen_und_buerger/index_ger.html
        Magaganda rin naman ang mga programa sa mga media library. Pwede ka pa ngang mag aral ng German sa mga videos nila at pwede mo pang lagyan ng subtitle.
        Kailangan mong pag-ingatan ang iyong romantic heart... na wag mang download ng mga illegal na data. Dahil maraming mga bagong films ngayon ang available sa mga file sharing websites na nasa ganoong katigorya.
        Hindi siguro kung ako yun. Masyadong kasing strict ang Germany pagdating sa mga copyrights. Yung may mga license, gaya ng mga international film distributor ay pwedeng hingin ang mga pangalan at address ng mga taong kilala sa pagdo-download ng mga iligal na films sa internet. Kapag nakuha na nila ang address mo, mag intay ka na ng sulat galling sa isang abogado...
        Sa kasamaang palad, oo. May kaibigan nga akong nakatanggap ng message na nagsasabing kailangan nyang magbayad ng penalty. Ang gusto nya lang naman ay isang komportable bonding kasama ng boyfriend nya… at ang mga license rights nay an ay isa rin sa dahilan kung bakit may mga youtube videos na hindi mapapanood sa Germany, pero pwedeng manonood sa Pilipinas ng walang kahit na anong issue.
          Masyadong friendly for Germany?

          Oo, masasanay ka din sa pagiging prangka ko.;) At saka, ‘wag ka magagalit ha?
          Baka kasi maramdaman mo na ayaw sa’yo ng mga tao dahil kapag nagsasabi sila ng opinyon nila, deretsahan. Para sa akin kasi ganun ang nangyari eh. Kinailangan ko masanay sa pagiging prangka ng mga Germans. Tayo kasing mga Pinoy… generally ha, parati tayo mabait at magalang…
          Right! Oo kasi ayaw natin makasakit ng feelings ng iba. Pero dito, iba…
          Hindi ganun, ano ka ba.. :) Ang ibig kong sabihin, kapag may mali, pwede mo sabihin, nang natural at magalang, pero deretsahan.
          Ah, alam mo naman na pala. Wala na rin kasi akong oras makipa-chat ngayon sa’yo kasi may imi-meet ako. Kailangan ko nang umalis…
          Thank you! Ipapakita ko sa’yo ‘yung picture ng na-meet ko sa Facebook – para lang sa’yo ;) Bye..