Iba pang Mahahalagang Usapin

    Kalayaang Pangrelihiyon

    Grüß Gott, Jenny. HaHaHa :-) May bago kang natutunan? :-) Hindi kasi namin yan sinasabi sa Berlin. Pero yan ang batian nila sa southern Germany, lalo sa Bayern. Pwede na ang „Guten Tag“.
    Maganda yang naisip mo, pero hindi lahat relihiyoso dito sa Germany.
    Hindi eh. Pero marami rin namang Christian dito. Sabi sa statistics, nasa sixty percent ang Katoliko o Protestant.
    Mga one-third ng mga German ang non-denominational, samantala yung iba may sari-sari nang religious groups. Yung mga Muslim, halimbawa, nasa mga dalawa hanggang apat at kalahating milyon, depende kung sinong tatanungin mo, tapos mga 270,000 ang Buddhist... 'Di ko sigurado ang eksaktong bilang eh, pero may overview sa Wikipedia. Tingnan mo na lang kung aling relihiyon ang pinakamarami: http://en.wikipedia.org/wiki/Religion_in_Germany .
    Syempre naman! Bakit hindi? Maraming church ang regular na nagpapamisa. May iba't-ibang activities rin ang mga communities at maraming believers ang sumasali sa mga community event at meeting. Yung iba naman, naniniwala na kung san ka man, nandun din si God, kaya di mo na s'ya kailangang puntahan sa simbahan. May kan'ya-kan'ya naman tayong paniniwala dito.
    True! Tolerance lang talaga. Uy, may secret ako ah; sa 'yo lang. Alam mo ba kung anong naiisip ko pag nakakakita ako ng magagandang church dito?
      Pagpapakasal (Mga International na mag-asawa)

      Naisip ko... isang fairytale wedding. :)
      Tingin mo German si "the one" mo?
      Kung ganun, kailangan mong pumunta sa registrar's ofice. Kailangan mong ipakita passport mo, birth certificate at registration certificate. Kailangan syempre authenticated ang mga Philippine documents...
      Ganun talaga, may bureaucracy. Lalo pag international marriage, sa kaso mo, sa isang German.
      Kaya sa susunod na tamaan ka ni kupido, magtanong-tanong muna. Ito o, masasagot sa mga links na ito mga tanong mo tungkol sa international marriage (http://www.konsularinfo.diplo.de/Vertretung/konsularinfo/de/03/Ehe/Eheschliessung/__Eheschliessung__Allgemein.html) at spouses (http://www.bamf.de/DE/Migration/EhepartnerFamilie/ehepartnerfamilie-node.html).
        Kapag may problema: Counseling sa Telepono, Pagtatanggol sa Kababaihan...

        Wala naman kasiguraduhan kahit sang banda pa ng mundo. Available din doon sa link na binanggit ko sayo ang tungkol sa international divorce.
        Oo nga, pero mabuti na ring may alam kung saan makakahanap ng information o tulong kapag may pagdududa. At bakit ka naman nag-aalala? Marami naman akong kilalang mga couples na masaya.
        Ang saklap naman noon, syempre kailangan ng bawat babae na maging maingat rin. Maaari rin naman silang makahingi ng tulong sa mga women's advice centers at shelters.
        Oo, ito ay mga non-profit na organization na nagbibigay hindi lang ng mga impormasyon, kundi pati ng guidance, advice, at therapy sa mga babaeng nasa krisis, emergency, separation at kung ano ano pa. May mga experts dun na tumutulong sa mga babaeng maaaring physically, psychologically, economically at sexually abused.
        Kahit pa. Ang mga advice centers na ito ay nagbibigay payo sa mga babaeng migrants na may mga problema. Ang importante ay ang mag share! Ito ang mga links para malaman mo kung sino ang pwede mong kontakin sa lugar nyo: www.frauen-gegen-gewalt.de at http://www.frauenhauskoordinierung.de/beratungsstellensuche.html Kahit yung mga deacon ay tumutulong din, hindi lang sa mga domestic at sexual violence, kundi pati sa iba pang mga social issues: http://www.diakonie.de/service-navigator.html At higit sa lahat, ang serbisyo nila ay walang bayad.
        Natural. Isa pa, ang mga problema ay parang tao lang din, unique. Ang pinakamakakatulong sayo ay ang telephone counseling line.
        Wala naman bayad pag tumawag sa counseling line. Ito ang mga hotlines nila: 0800/1110111 and 0800/1110222. O sa kanilang website http://www.telefonseelsorge.de Maaari kang makakita ng mga options kung papaano makakahingi ng tulong sa pamamagitan ng chat or e-mail.
        Sana nga. Confident rin naman ako na mage-enjoy ka dito sa Germany. Pagkatapos mong mahanap ang dream job mo, at ang iyong ideal man, maaaring magkaroon ka na rin ng mga munting anghel? ;)
          Buhay kasama ng mga bata (Paaralan at Edukasyon)

          Maraming mga Germans ang nagugulat kapag nagbabanggit ako ng mga malalaking pamilya sa Pilipinas. Dito kasi, common na isa o dalawa lang ang anak.
          Sa Germany, karamihan ng mga bata ay sa public school nag-aaral. Libre ito para sa lahat, kailangan mo nga lang bumili ng mga libro para sa mga bata (karamihan sa iba ay hinihiram pa), karamihan ng magagastos ay nailalaan kapag may field trip.
          Syempre meron din naman na mga eskwelahan na kung saan may tuition fee. Gaya ng sabi ko, karamihan ng mga magulang ay sa public schools pinag-aaral ang mga anak nila. Normal yun dito, at sya nga pla, ang mga bata dito ay kailangang mag-aral ng 9 years, at minimum yun. At kapag maganda ang takbo at nag-enjoy sila sa pag-aaral, usually ay tumutuloy sila sa mas mataas na antas ng eduasyon. http://www.bamf.de/DE/Willkommen/KinderFamilie/kinderfamilie-node.html
          HaHaHa :) Mabuting ideya. may panahon ka pa. Dito, mas matanda ang mga babae, on average, kapag nagkaroon sila ng unang anak. Ang family planning ay hindi dito nagaganap kapag mid-twenties ka...
            Insurance

            ... 'di pa kasama 'yung mga sirang gamit... lalo kung may mga bata sa bahay, importante ang home insurance. ;)
            Ay naku, hindi. Sa Germany, maraming klase ng required insurance. 'Yung health insurance, kinukuha yun kapag... well.... nagkasakit ka. 'Yung unemployed insurance naman, kapag nawalan ka ng trabaho.Tapos 'yung pension insurance, para secured ang pera mo pagtanda mo.
            Ah, hindi naman 'yan kailangan. Pero kung gusto mo, pwede rin naman... :)
            Sa madaling salita, pwede mong i-insure ang sarili mo sa lahat ng bagay sa Germany. Maliban doon sa mga sinabi kong required insurance, meron din na voluntary insurance. May mga tao na kumukuha ng liability insurance, na isang home and accident insurance package, para kapag nagkaroon sila ng pinsala, hindi nila babayaran 'yung kabuuan ng gastos. Tingnan mo ang website na ito: http://www.bamf.de/DE/Willkommen/BankenVersicherungen/bankenversicherungen-node.html
              Karagdagang Kaalaman

              Hindi naman siguro. :) Pero i-check mo ang website na ito dahil natulungan ako nito nang sobra: Mein Weg nach Deutschland ( www.goethe.de/mwnd) Marami ka makikita na impormasyon tungkol sa mga una mong gagawin kapag nasa Germany ka na, at practically tungkol sa halos lahat ng pwede mong maisip: pera, basic rights, multilingualism, integration courses... at kung gusto mo pang matuto, may mga links do'n sa bawat site.
              Ano ba yan, wala lang 'yan. Wag kang matakot. Pwede ring mangyari sa'yo lahat ng yan sa Pilipinas. At tsaka, tingnan mo ako. Ang tagal ko na dito pero wala namang nangyari sa 'king masama. In fact, sobrang okay ako dito!
              Pikit mo lang mga mata mo tapos isipin mo kung bakit mo ba talagang gusto pumunta sa Germany in the first place? Ma-excite ka sa mga bagong bagay na darating, sa mga bagay at experiences na matututunan mo, at sa mga bagong taong makikilala mo, tapos yung culinary horizon mo mas lalawak... at marami pang iba. Auf nach Deutschland! Tara na sa Germany!!!
              Buh-bye.