Pagdating at Paglibot sa Germany

MGA ONLINE CHAT: Pagdating at Paglibot sa Germany

    Pagdating sa Airport

    Edi ayos! Sa wakas magkikita na tayo. Siguradong sigurado ako magugustuhan mo dito.
    H’wag kang mag-alala pagdating mo dito. Actually, wala namang pinagkaiba sa Pilipinas mga airport dito. Pagdating mo, didiretso ka sa Immigration para sa identification at para ma-validate ang visa mo.
    Pwede dried mangoes. Pero kung ilan ang pwede... hmm... di ko na alam eh. Send ko na lang sa 'yo ‘tong link na to. May listahan dito ng mga pwede at bawal mong ipasok sa Germany. Nandyan na lahat ng kailangan mong malaman. Sa dami ng info, mukhang di rin pwedeng dalhin coral collection mo. Hehe. Ito na: http://www.zoll.de/EN/Private-individuals/Travel/Entering-Germany/Restrictions/restrictions_node.html. S'ya nga pala! Sa araw ng flight mo, may ififill-out kang Custom-Declaration Form. Kailangan mo yun sa Customs.
    'Di naman. Saglit lang yan! Pag tapos ka na, pwede mo nang kunin bagahe mo sa pick-up area.
    Tama! Medyo iba rin dito kasi walang tutulong sa 'yong dalhin bagahe mo sa sakayan ng taxi. Pero meron namang mga push-cart kung ayaw mong buhatin gamit mo. Kailangan lang ng 1€ para makagamit.
    Kung may kaibigan kang nanggaling nang Europe, baka makatulong s'ya. Pwede mo ring subukan muna sa piso. Ginawa ko yan kamakailan, akalain mo gumana! hehe.
      Commute

      Ay! Walang trike dito eh tsaka mahal magtaxi! Magbus ka na lang o tren. May mga signs naman na nagtuturo kung san ka makakasakay.
      Hmm, hindi rin. Sa Pilipinas kasi sa konduktor ka na mismo nagbabayad. Iba sa Germany. Sa makina ka bumibili ng ticket. Kadalasan sa mga station mo sila matatagpuan. Minsan meron din sa loob ng bus or tren.
      Haha! Ah, bago ko pa malimutan. Kadalasan, dapat ipa-validate mo muna ticket mo bago ka sumakay. Mapapansin mo 'tong lahat. Minsan nagbabago-bago rin 'to sa iba't-ibang lungsod. Kung nahihirapan ka, ipagtanong mo na lang sa driver o sa service personnel.
      Ano ka?! Kung ako sa 'yo hinding hindi ko yan gagawin! Mamumultahan ka 'pag nahuli kang walang ticket. Sige ka. Mabuti nang maingat.
      Uhm, Iba rin kasi ang sistema kaysa dyan sa Pilipinas eh. Dito, karamihan ng mga bus may kani-kanilang lungsod o region at hanggang doon lang sila pwedeng umikot. Kadalasan, kailangan mo na ng kotse o tren pag malayuan ang byahe mo. May nadevelop na silang sistema ng mga ruta sa buong Germany.
      Meron pa rin naman. At pwede ka pa ring sumakay kung gusto mo. Kamakailan lang dumadami na ang mga “Überlandbusse” sa Germany. Malalayo binabyahe nun! Malayong mas mahal nga lang kumpara sa tren.
      Oo. May mga express train. Kadalasan sa mga mas malalaki silang syudad. Ang tawag sa kanila IC at ICE. Meron ding mga regional train na masmabagal sa express train at sa maliliit lang na lugar bumibyahe. Madali mo lang din to malalaman...
      No. Hindi! Baka ang iniisip mo S-Bahn o kaya U-Bahn. Magkakaiba yun ah. Pati yung Strassenbahn (Tram).
      Dito sa Germany, wala kaming trike o jeep. Pero hwag kang mag-alala. Madali lang matutunan magcommute dito. Hindi nga lang pare-parehas sa lahat ng lungsod. Pagdating mo, pwede kang magtanong sa Tourist Information Office or pwede ka na ring dumiretso sa local transportation personnel nang malaman mo kung pano ka makakarating sa pupuntahan mo. Baka bigyan ka pa nila ng tip at sabihin na rin nila sa 'yo kung magkano ang kailangan mong pamasahe. Nag-aalok sila minsan ng seasonal tickets na masmura para makatipid ka sa byahe.
        Paglalakad

        Pwede ka rin naman maglakad. :)
        Teka lang kasi! Magugustuhan mong maglakad dito. Halos lahat ng tao dito naglalakad lang. Tsaka hindi delikado! Kailangan mo pa rin naman maging maingat at mapagmatyag pero mas maraming rights sa kalsada mga pedestrian dito kaysa sa Pilipinas.
        Dito, nasusunod ang traffic lights. Kung walang traffic lights, yung pedestrian lane ang sinusunod. Kung gusto mong tumawid, sesenyasan mo lang yung driver na tatawid ka at hihinto s'ya para sa yo. Kumbaga, ang mga pedestrians ang "Hari ng Kalsada"☺
        Gets naman. Problema talaga ang air pollution kahit saan. Siguro may kaunti lang dito sa Germany. Magdala ka ng running shoes pagpunta dito ah!
        Oo, magdala ka. Mag-enjoy kang mag-empake! I-chat mo lang uli ako kung may tanong ka pa ah.
        Bye!