Ang European Union (EU)

Ang European Union (EU) ay isang grupo ng maraming bansa sa Europa na may magkakatulad na layunin. Sa lawak ng higit sa apat na milyong kilometrong kuwadrado nakatira ang halos 450 milyong katao. Ang European Union ay kasalukuyang binubuo ng 27 na mga miyembrong estado. Hangarin nila ang kapayapaan, pagtutulungan, at kasaganaan para sa lahat ng tao sa Europa. Dapat maayos ang lahat para sa mga Europeo. Dapat gawing mas maganda, mas ligtas, at mas madali ang buhay ng mga tao. Tinutulungan ng EU ang mga miyembrong bansa sa paglutas ng mga problema, sa kalakaran, at sa pamumuhay ayon sa mga alituntunin.

Audio-Player: Artikel anhören

Artikel anhören

Die Europäische Union

Europäische Flagge © Goethe-Institut/ Gina Bolle

Pangangasiwa

May 24 na opisyal na wika. Lahat ng mga dokumento and impormasyon ay dapat isulat sa mga wikang ito. Upang maitupad ng EU ang kaniyang mga tungkulin, mayroon itong mahahalagang ahensya: ang Parlamentong Europeo, ang Komisyong Europea, ang Konseho ng Unyong Europeo atbp.

Kasaysayan

Nabuo ang EU matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Itinatag ng Alemanya at lima pang ibang bansa sa taong 1951 ang unang katipunang Europeo. Hangad nila ang malakas na ekonomiya sa Europa. Mula noon ay nag-iba na ang EU. Mayroon nang iisang salapi mula 2002: ang Euro. Pinambabayad ang Euro sa 20 na bansa.

Mga Layunin at Halaga

Ang EU ay isang katipunang may ibinabahaging halaga. Kasama rito ang kapayapaan, demokrasya, kalayaan at pagkakapantay ng lahat ng tao. Ipinapakita sa atin ng mga halagang ito ang tama at mali. Tinutulungan tayo nitong gawin ang tama.

Ilang mga halimbawa ng mga layunin ng EU ay ang pag-alaga ng kapaligiran at kalikasan at ang pagtaguyod ng ekonomiya. Dapat maayos ang lahat para sa mga Europeo. Dapat magkaparehas ang pagtrato sa tao at hindi mahalaga ang kasarian, pinagmulan, o relihiyon.

May ahensya para sa pantay na pakikitungo. Inaalagaan nito na ang lahat ay pareho ang pagtrato. Walang maaaring dumanas ng diskriminasyon dahil sa pinagmulan, relihiyon, kasarian, o kapansanan. Ang ahensyang ito ay tumutulong sa tao. Nakasalin ang mga impormasyon sa iba’t ibang wika, pati na rin ang pagpapayo.

Madaliang Pagkilos sa loob ng EU

Madaling bumiyahe mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa sa loob ng EU para sa mga tao. Kung nanggaling kayo sa isang bansa sa EU, maaari kayong gumalaw nang malaya. Maaari ring manirahan, magtrabaho, o mag-aral sa ibang bansa sa EU.

Nanggaling kayo sa isang bansang hindi miyembro ng EU? Kayo ay itinatawag na third-country national. Maari rin kayong bumiyahe, manirahan, at magtrabaho sa EU, ngunit may mga espesyal na alituntunin. Isang halimbawa ay kailangan ninyo ng permisong manirahan sa isang bansa sa EU. Dapat manirahan kayo doon sa loob ng ilang taon at makayanang masuportahan nang mabuti ang sarili. Pagkatapos ay maaari na kayong mag-aplay para sa isang permit. Gamit ang permit na ito ay maaari na rin kayong lumipat sa ibang mga bansa sa EU.

Sundan kami