Oras ng Paglilibang

Menschen an einem Flussufer © Goethe-Institut

Maraming mga aktibidad sa paglilibang sa Alemanya. Mayroong higit pang mga pagpipilian sa mga lungsod. Marami doong libangan na may kinalaman sa kultura, tulad ng mga teatro, museo at konsyerto. Marami ring mga kainan at tindahan. At mayroong pampublikong transportasyon. Pero mas mahal mamuhay sa lungsod. Maingay at walang masyadong kalikasan.

Audio-Player: Artikel anhören

Artikel anhören

Freizeit

Sa Lungsod at sa Lalawigan

Hindi marami ang mga pagkakataon sa paglilibang kapag nasa lalawigan o sa mga mas maliliit na lungsod. Pero mas tahimik ang buhay. Mas maraming nakapaligid na kalikasan at mas maraming espasyo. Hindi ito masyadong maingay at marumi. Madalas na may hardin ang mga apartamento at bahay. Mas mababa ang gastos sa pabahay.

Ang mga impormasyon tungkol sa mga aktibidad sa paglilibang ay matatagpuan sa website ng inyong lungsod o lugar na tinitirhan.

Kultura

Mahilig ba kayo sa lahat na may kinalaman sa kultura? May mga museo, eksibisyon, sinehan, konsyerto, at iba pang kaganapan sa karamihan ng mga lungsod. Maraming mga sinehan ang nagpapakita ng mga internasyonal na pelikula sa orihinal na bersyon na kadalasang may mga subtitle. Ang karamihan ng mga lungsod at bayan ay may kalendariyo ng mga kaganapan sa Internet. Maaaring tumingin online upang makita kung ano ang mayroon.

Sa mga aklatan ay maaaring magbasa ng mga libro, makinig sa musika at manood ng mga pelikula nang libre o sa maliit na bayad. Dapat lang kayong magparehistro sa inyong lokal na aklatan. Madalas ninyong kakailanganin ang inyong sertipiko ng pagpaparehistro para rito. Maaari ring hiramin ang mga libro, pelikula, at CD: iuuwi ninyo ang mga ito at ibabalik sa ibang pagkakataon.

Mga Parke at ang Kalikasan

Gusto ninyo na nasa labas kayo? Maaari kayong magpahinga nang maayos sa kalikasan. May mga parke sa bawat lungsod. Maaaring maglakad, maglaro, o mag-picnic doon. Laging may nangyayari sa parke kapag tag-init. Naglalaro din ang mga tao doon. Halimbawa, maaari kayong mag-jogging, maglaro ng football o table tennis o magsagawa ng fitness training. Halos lahat ng parke ay libre.

Maraming palaruan para sa mga bata. Sa mga botanikal na hardin ay maaari kayong makakita ng mga espesyal na halaman. Maaari ninyong bisitahin ang mga hayop mula sa buong mundo sa zoo. Ang mga botanikal na hardin at zoo ay karaniwang naniningil ng bayad. Mayroon ding mga lawa, kagubatan o bundok sa mararaming rehiyon. Baka nakatira pa kayo malapit sa dagat. Kung nakatira kayo sa lungsod, maaari kayong maglakbay sa kalikasan. Sa tag-init ay maaari kayong pumunta sa isang lawa at lumangoy doon, bilang isang halimbawa.

Paghanap ng Kaibigan

Kumportable ang tao kapag kasama ang mga kaibigan. Masarap magpalipas ng libreng oras na magkasama. Maaari kayong makakilala ng mga tao sa Alemanya at makahanap ng mga bagong kaibigan. Maging bukas at magpakita ng interes. Damihan ang gagawin sa inyong libreng oras. Maging matiyaga. Minsan matagal makahanap ng mga kaibigan.

Sa simula ay maaaring makatulong din sa inyo ang isang komunidad ng mga tao mula sa inyong sariling bansa. Maaari mahanap ang mga ito hal. sa mga social network. Mayroong mga grupo doon para sa mga karaniwang libangan at interes. Mayroon ding mga organisasyon para sa mga migrante. Magtanong sa isang sentro ng pagpapayo. Maraming mga lungsod ang may mga internasyonal na pagpupulong o kaganapan. Doon ay maaari kayong makipagpalitan ng ideya at makipag-usap sa mga tao mula sa iba't ibang bansa.

May mga anak ba kayo? Madalas kayong makakilala ng ibang mga magulang, hal. sa kindergarten o paaralan. Dahil sa mga bata ay mayroon na kayong mapag-uusapan. Kamustahin ang inyong mga kapitbahay. Minsan may mga flea market, mga pagdiriwang sa kalye o mga pagpupulong sa kapitbahay sa malapit.

Tiyak na may mabubuting kasamahan sa trabaho. Maaari kayong mag-usap sa panahon ng inyong oras ng pahinga o magkita pagkatapos ng trabaho, hal. para sa paglalakwatsa o inuman. Sa ganitong paraan ay mas makikilala ninyo ang isa't isa. Madalas silang magiging kaibigan.

Sa isang kursong pangwika ay makikilala ninyo ang mga tao na bago rin sa Alemanya. Baka may matatagpuan kayong bagong kakilala o kaibigan doon. Maaari ring makilala ang mga tao habang naglalaro ng sports. Karaniwang mas masaya ang sport na may kasamang grupo. Sa maraming lungsod ay mayroong mga grupo na nagkikita sa parke sa tag-init at magkasamang naglalaro ng sports. O pwede rin kayong sumali sa isang club.

Mga Club at Paaralan para sa Mas Nakatatanda

Maraming sports club sa Alemanya. Halimbawa, maaring maglaro kayo o ng inyong mga anak ng football, maglangoy, sumayaw o mag-gymnastics. Maaaring isagawa ang inyong sport kasama ang ibang mga tao. Ngunit mayroon ding iba pang mga asosasyon at club. Sa isang club, nagsasama-sama ang mga taong may parehong interes at layunin. Halimbawa, may mga club para sa musika, kabataan, pagluto, at kompyuter. May mga club para sa mga matatanda at para sa mga kabataan.

Mayroong mga paaralan para sa mas nakatatanda sa maraming lugar. Doon ay mahahanap ninyo ang mga kurso para sa mga matatanda, hal. mga kurso sa wika, mga kurso sa sayaw, mga kurso sa computer, o mga kurso sa wika. Mayroon ding mga kurso para sa sports sa mga paaralan para sa mas nakatatanda.

Kadalasan mayroong mga libreng alok para sa mga magulang at sa kanilang mga anak. Sa iilang lugar ay makakahanap ng mga playgroup para sa maliliit na bata, bilang isang halimbawa.

Kultura sa Pagkain

Tulad ng ibang lugar sa mundo, mahilig ang mga Aleman sa masarap na pagkain. Mayroong maraming mga espesyalidad. Ito ay mga pagkaing sa Alemanya lamang matatagpuan. O matatagpuan sila sa iilang bahagi lamang ng Alemanya. Alam ng halos lahat sa Alemanya ang mga puting sausage at pretzel. Ito ay karaniwang pagkain mula sa Bavaria. Sa hilaga ng Alemanya ay kumakain ang mga tao ng maraming isda. Ngunit ang pagkain sa Alemanya ay napaka-internasyonal din. Mayroong iba't ibang mga kainan. Sa malalaking lungsod ay mayroong napakalaking seleksyon. Halimbawa, maaari kayong kumain ng Vietnamese, Indian, Italian, Turkish, o Ethiopian na pagkain.

Gusto rin ng mga tao sa Alemanya na umupo kasama ang mga kaibigan sa mga café at magkaroon ng kape at cake. Sa tag-init ay nakaupo sa labas ang karamihan ng mga tao.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami