Inklusyon: Pamumuhay na may mga Kapansanan

Halos walong milyong tao na may malubhang kapansanan ang nakatira sa Germany. Ang ilang mga tao ay may nakikitang pisikal na mga limitasyon, tulad ng pagiging bulag o pag-asa sa isang wheelchair. Gayunpaman, mayroon ding mga hindi nakikitang kapansanan. Kabilang dito ang mga kahirapan sa pag-aaral, mga malalang sakit, o mga sakit sa isip. Ang ilang mga tao ay may kapansanan mula sa kapanganakan. Minsan ang kapansanan ay resulta ng isang aksidente o sakit.

Audio-Player: Artikel anhören

Artikel anhören

Inklusion

Schild mit Rollstuhl vor einer Treppe © Goethe-Institut/ Simone Schirmer

Mga Karapatan

Ang UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities ay ipinatupad sa Alemanya mula noong 2009. Sinasaad sa konstitusyon ng Alemanya na pantay ang lahat ng tao. Nalalapat din ito sa mga taong may kapansanan. Walang sinuman ang dapat na dehado dahil sa isang kapansanan. Ang mga taong may kapansanan ay dapat pantay na kasangkot sa buhay panlipunan. Sa kasamaang palad ay mas mahirap ang buhay para sa mga taong may kapansanan. Hindi pa mararamdaman ang inklusyon sa lahat ng lugar.

Paano nakakatulong ang estado?

Tinutulungan ng estado ng Alemanya ang mga taong may kapansanan. Halimbawa, kailangan lang magbayad ng mas kaunting buwis. May mga alok din para sa mga konsultasyon. Mayroon silang pangangalagang medikal. Minsan binabayaran ang pangangalaga sa bata o tulong sa bahay. Depende ito sa kung anong kapansanan ang mayroon ang isang tao.

Upang makatanggap ng suporta mula sa estado, kailangan ninyo ng patunay ng kapansanan. Maaari kayong mag-aplay para dito sa Tanggapan ng Seguridad Panlipunan. Gamit ang dokumentong ito ay maaari kayong gumamit ng pampublikong sasakyan, tulad ng mga bus o subway, nang walang bayad, bilang isang halimbawa. Makakakuha rin kayo ng libreng pagpasok sa mga museo.

Inklusyon sa Trabaho

Ang mga taong may kapansanan ay nakakatanggap ng tulong kapag naghahanap sila ng trabaho. May proteksyon sila sa trabaho. Hindi pinapayagan ang mga employer na wakasan ang kontrata nang ganoon kadali. Mayroong mga opisyal para sa pantay-pantay na oportunidad. Tinitiyak ng mga taong ito na ang mga taong may kapansanan ay hindi dehado sa trabaho.

Ang Accessibility

Ang mga taong may kapansanan ay dapat ding magkaroon ng magandang buhay. Mahalaga na maaari silang makagalaw mag-isa sa lungsod. Sa Alemanya, halimbawa, nagsisikap sila upang matiyak na ang mga gumagamit ng wheelchair ay makakapasok sa mga pampublikong gusali. O kaya naman ay makakasakay din sila sa mga bus at tram nang walang anumang problema. Madalas may mga rampa. Sa kasamaang palad, hindi ito nagagawa sa lahat ng lugar. Ang subway ay madalas na hindi madaling galawan. Hindi laging may elevator.

May mga uka sa sahig para sa mga taong may kapansanan sa paningin. Ginagawa nitong mas madali para sa kanila na mahanap ang kanilang daan sa isang gusali o sa hintuan ng bus gamit ang kanilang tungkod. Maraming mga ilaw trapiko ang gumagawa ng isang tiyak na tunog. Dahil dito ay alam ng mga bulag kung kailan sila maaaring tumawid ng kalye. May mga braille sign ang ilang pampublikong gusali.

Ang mga website sa Internet ay dapat ding ma-access. Sa ganitong paraan, magagamit ng lahat ang impormasyon doon. Ang mga awtoridad at munisipalidad ay nagbibigay ng pinakamahalagang impormasyon sa simpleng wika. Dapat maunawaan ng lahat ng mamamayan ang impormasyong ito. Para sa mga taong may kapansanan sa paningin, kailangan ng mga website ng magandang contrast sa pagitan ng font at background. Bilang karagdagan, ang nilalaman ay dapat na idinisenyo sa paraang mabasa nang malakas ng isang screen reader ang lahat.

Mga Batang May Kapansanan

Mayroon ba kayong anak na may kapansanan o isang bata na may malalang sakit? Matutulungan kayo ng Opisina para sa Kapakanan ng Kabataan sa inyong lungsod.

Mayroong maagang interbensyon para sa mga maliliit na bata. Ito ay mga tulong para sa mga bata mula sa kapanganakan hanggang sa edad na pwede na silang mag-aral. Para ito sa mga batang may kapansanan o para sa mga bata na medyo mabagal sa pag-aaral kaysa sa ibang mga bata. Halimbawa, mayroong isang vision school o isang programa sa pagsasanay sa wika.

Ang mga batang may kapansanan ay maaari ding dumalo sa kindergarten. May mga kindergarten para rin sa kanila. Ang mga batang may kapansanan at walang kapansanan ay magkasamang pumunta doon. Ngunit mayroon ding mga espesyal na kindergarten para lamang sa mga batang may kapansanan.

Naaangkop din ito sa mga paaralan. Sa Alemanya ay mayroong mga espesyal na paaralan para sa mga batang may kapansanan o mga espesyal na pangangailangan. At may mga paaralan na may inklusibong pagtuturo. Nangangahulugan ito na ang mga batang may kapansanan at walang kapansanan ay sama-samang dumadalo sa mga klase. Naiiba ito sa bawat pederal na estado.

Diskriminasyon

Kung hindi iginagalangang mga karapatan, maaaring diskriminasyon ito sa ilang mga pagkakataon. Upang malaman kung paano ito haharapin, basahin ang tekstong Pagharap sa Diskriminasyon.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami