Kursong Pang-Integrasyon

Ein Tisch mit Begriffen auf Karten zum Zuordnen © Goethe-Institut/ Gina Bolle

Bago kayo sa Alemanya at gusto ninyong matuto ang kanyang wika? Maari kayong kumuha ng kursong pang-integrasyon. Kung hindi kayo nagsasalita ng Aleman o di kaya’y kaunti lang ang nasasabi sa Aleman, maaaring obligado ang paglahok sa kursong pang-integrasyon. Bibigyan kayo ng Tanggapan ng Imigrasyon (“Ausländerbehörde”) ng impormasyon ukol dito.

Paglahok sa Kurso

Magbibigay din ang Tanggapan ng Imigrasyon (“Ausländerbehörde”) ng mga paaralang nag-aalok ng kurso sa wika. Maaari na kayong maghanap ng isang paaralang pangwika na malapit sa inyo at mag-enroll doon. May mga paaralang nag-aalok din ng mga kurso online.

Maaari ninyong mahanap ang mga paaralang nag-aalok ng kurso sa mga Mahahalagang Adres. Dito maaaring hanapin ang mga paaralang nag-aalok ng kurso na malapit sa inyo. Makikita ninyo sa isang mapa ang mga resulta kasama na ang mga impormasyon kagaya ng adres at numero ng telepono.

Pag-antas, Presyo, mga Leksyon, at Pagsusuri

Pagkatapos ng pag-enroll ay gagawa kayo ng isang pagsusulit upang malaman ang inyong antas sa paaralang nag-aalok ng kurso. Dito malalaman kung ano ang naangkop na kurso para sa inyo. Nagahalaga ang mga kurso na ito ng 2.29€ bawat oras ng aralin. Hindi kailangan magbayad ang lahat ng mga nag-aaral sa kurso. Makakahanap kayo ng higit pang impormasyon sa Kagawaran para sa Migrasyon at Takas (BAMF). Ang isang kursong pang-integrasyon ay may kursong pangwika at kursong pang-oryentasyon. 

May 600 na oras ng aralin sa isang normal na kursong pangwika. Dito natututunan ang wika sa mga pang-araw-araw na tema gaya ng pagbili, tirahan, mga bata, midya, paglilibang, paaralan, trabaho, o pagpunta sa doktor.

Sa dulo ay gagawin ang huling iksamen (o ang “Iksamen ng Wikang Aleman para sa mga Imigrante”). May makukuha kayong sertipiko ng kursong pang-intergrasyon pagkatapos ng iksamen. Nagsasalita, nagbabasa, at nagsusulat na kayo ng Aleman sa antas na A2 o B1. Gustong makita ng mga employer ang sertipikong ito. Kailangan din ito minsan sa mga tanggapan gaya ng Tanggapan ng Imigrasyon. Sa naturalisasyon, ang prosesong gagawin kung gusto ninyong maging mamamayan ng Alemanya, ay nakakatulong din ang sertipikong galing sa kursong pang-integrasyon.

Pagkatapos ng kursong pangwika ay gagawin ninyo ang kursong pang-oryentasyon. May 100 na oras ng aralin ang kursong pang-oryentasyon. Dito natututunan ang maraming bagay tungkol sa sistemang legal ng Alemanya pati na ang kanyang kasaysayan at kultura. Kasama na rin ang mga tema ng mga halaga at magkasamang pamumuhay. Sa dulo ay gagawin ang huling iksamen na tungkol sa buhay sa Alemanya. 

Kung hindi ninyo naipasa ang huling iksamen, maaari pa kayong kumuha ng kurso na tumatagal ng 300 na oras ng aralin. Maaari ring gawin muli ang iksamen.

Mga Espesyal na Kursong Pang-Integrasyon at Kurso sa Wikang Pangtrabaho

May mga espesyal na kursong pang-intergrasyon para sa mga kabataan hanggang sa 27 taong gulang. Ang tawag dito ay “Jugendintegrationskurs”. Matutulungan kayo nito kung gusto ninyong makilahok sa pagsasanay. Makakakuha ng impormasyon sa Kagawaran para sa Migrasyon at Takas (BAMF). Mayroon ding mga espesyal na inaalok na kurso sa iilang mga lungsod, gaya ng mga kurso para sa mga kababaihan lamang, mga kurso para matutong magbasa at magsulat, o mga kurso na may pag-aalaga sa mga bata. Magtanong lamang sa paaralang pangwika.

Kung naghahanap kayo ng trabaho o gusto ninyong pagbutihin ang inyong Aleman para sa inyong trabaho, maaari kayong makilahok sa isang kursong pangwika para sa trabaho. Dito natututunan ang wikang Aleman para sa trabaho. Bago kayo sumama sa isang kursong pangwika para sa trabaho, kailangang munang marunong na kayo mag-Aleman o matapos ninyo ang kursong pang-integrasyon. Mangyaring magtanong sa Ahensya para sa Trabaho, sa Jobcenter, o sa inyong employer.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami