Mobilidad

Straße in einer Stadt mit Straßenbahnen und Bus © Goethe-Institut/ Gina Bolle

Madalas na naglalakad o nagbibisikleta ang mga tao sa Alemanya. Nakakatulong ito sa kalusugan at mabuti ito para sa kapaligiran. Maraming daanan para sa paglalakad at pagbibisikleta. Sa mga nayon at mas maliliit na mga bayan ay maaari ninyong maabot ang karamihan sa mga destinasyon sa pamamagitan ng paglalakad. Maraming tao sa Alemanya ang nagbibisikleta papunta sa supermarket, sa trabaho, o sa mga kaibigan.

Audio-Player: Artikel anhören

Artikel anhören

Mobilität

Paglakad at Paggamit ng Bisikleta

Kung walang daanan ng bisikleta, kailangang magbisikleta sa kalsada ang mga nasa hustong gulang. Dapat magbisikleta sa bangketa ang mga batang hanggang 8 taong gulang sa lungsod o sa isang bayan. Pinapayagang magbisikleta sa bangketa ang mga batang hanggang 10 taong gulang. May mga patakaran sa trapiko sa kalsada: hal. tumatawid ba kayo sa mga pulang ilaw ng trapiko? O sira ba ang ilaw ng bisikleta ninyo? Kung nakita ito ng pulis ay kailangan ninyong magbayad ng multa.

Pampublikong Transportasyon

Sa mga lungsod ay mayroong mga opsyon sa pampublikong sasakyan tulad ng mga tren na S-Bahn, U-Bahn, tram, at bus. Mayroong isang app para sa pampublikong sasakyan sa halos bawat lungsod. Makakabili kayo ng tiket nang maginhawa at halos walang problema online sa app. Mayroon ding mga vending machine sa mga istasyon at hintuan ng tren. May mga ticket sales counter sa mga istasyon ng tren. Minsan maaari kayong bumili ng tiket sa bus o tram.

Sa mararaming lungsod ay kailangan ninyong patunayan ang inyong tiket. May mga makina para rito. Kadalasan ay ipinapasok ninyo ang tiket o kard sa isang puwang. Naglalagay ang makina ng selyo sa tiket. Sa ilang mga lungsod ay may bisa kaagad ang mga tiket. May oras na nakalagay rito. Hindi na ninyo kailangang patunayan ang mga tiket na ito.

Maaari rin kayong bumili ng tiket para sa isang araw, tiket para sa isang linggo, tiket para sa isang buwan, o tiket para sa isang taon. Kung madalas kayong gumamit ng pampublikong sasakyan ay mas mura ito. Madalas na may diskwento ang mga bata, mag-aaral, mag-aaral, at matatanda. Mas mababa ang babayaran nila. Karaniwang magagamit ng mga taong may kapansanan ang pampublikong sasakyan nang walang bayad.

Mahahanap ninyo ang mga talaorasan sa mga hintuan at istasyon ng transportasyon. Ipinapakita nito kung kailan at saan pupunta ang mga bus at tren. Maaari ring basahin ito sa mga website ng mga kumpanya ng transportasyon o hanapin ito sa app.

Karaniwang walang mga hadlang sa pasukan sa mga istasyon ng tren. Pwede na lang kayong  pumasok kaagad. Pero kailangan pa rin ninyo ng tiket. May mga inspeksyon ng tiket sa loob ng mga bus at tren. Kung wala kayong tiket kapag tinanong kayo, kailangan ninyong magbayad ng multa.

Sa maraming malalaking lungsod  ay mayroong mga e-scooter o e-bikes. Maaaring hiramin ang mga ito. Para rito ay kailangan ninyo ng app. Magbabayad gamit ang app para sa bawat biyahe. Maaaring gamitin ang app upang malaman kung may e-scooter o e-bike sa malapit para agarang umalis. Ipinaparada ang e-scooter o e-bike kapag umabot na sa hantungan. Kadalasang praktikal ito kapag walang pampublikong sasakyan na humihinto sa malapit.

Ang “Deutschland-Ticket”

Madalas ba kayong sumasakay ng pampublikong sasakyan o madalas na naglalakbay sa Alemanya? Kung gayon ay sulit ang tinatawag “Deutschland-Ticket”. Para sa 49 euro bawat buwan (sa taong 2024) ay maaari ninyong gamitin ang lahat ng mga bus, tren, subway, tram, at rehiyonal na tren. Ang “Deutschland-Ticket” ay hindi pwedeng gamitin sa mga long-distance na bus, IC/EC o ICE na tren. Para rito ay kailangan ninyo ng karagdagang tiket. Ang “Deutschland-Ticket” ay magagamit lamang bilang isang subscription. Ibig sabihin nito: Bibili kayo ng ticket para sa isang buwan at awtomatikong makakakuha kayo ng bagong tiket para sa susunod na buwan. Kaya kailangan ninyong magbayad ng 49 euro bawat buwan. Kung ayaw na ninyo ng ticket, dapat itong kanselahin. Nalalapat lamang ito hanggang sa ika-10 na araw ng bawat buwan.

Paggamit ng Kotse

Karamihan sa mga tao sa kanayunan ay nagmamaneho ng kanilang sariling mga sasakyan. Kadalasan ay kakaunti o walang pampublikong sasakyan doon. Kahit sa mga lungsod ay may mga taong gumagamit ng sasakyan. May mga parking lot at parking garage sa mga lungsod: ipinapapakita ng mga karatula sa gilid ng kalsada ang mga pagpipilian. Madalas ay kailangan ninyong magbayad para sa mga parkingang ito. Madalas hindi madaling makahanap ng parkingan.

May car-sharing sa maraming lungsod. Maaari kayong magrenta ng kotse sa pamamagitan ng isang app. Halimbawa, kung gusto ninyong maglakbay kasama ang inyong pamilya. Magbabayad kayo kada kilometro o para sa oras na ginamit ito. Mas mura ito kaysa sa pagmamay-ari ng sarili ninyong sasakyan.

Kung nagmamaneho kayo ng kotse, kailangan ninyong malaman ang mga panuntunan sa trapiko sa Alemanya. Halimbawa, kailangan ninyong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga palatandaan ng trapiko o kung gaano dapat kabilis magmaneho. Dapat ring laging dala ang lisensya sa pagmamaneho. Para sa inyong sariling sasakyan ay kailangan ninyo ng rehistro ng sasakyan. Tatanungin kayo ng pulis tungkol dito kapag may sinusuri siya. Kailangan ninyo ng lisensya sa pagmamaneho mula sa Alemanya o ibang bansa sa EU.

Ang inyong bansa ay hindi bahagi ng EU? Dapat i-convert ninyo ang inyong lisensya sa pagmamaneho sa loob ng unang anim na buwan sa Alemanya. Gawin ito sa lalong madaling panahon. Pinapayagan lamang kayo na magmaneho gamit ang inyong lumang lisensya sa pagmamaneho sa loob ng anim na buwan. Makipag-ugnayan sa inyong lokal na tanggapan ng lisensya sa pagmamaneho. Hindi ba na-convert ang inyong lisensya sa pagmamaneho sa loob ng anim na buwan at gusto na ninyong magmaneho? Kailangan ninyong kumuha ng bagong lisensya sa pagmamaneho sa Alemanya.

Pag-alis o pagluwas

Gusto ba ninyong pumunta sa ibang mga lungsod sa Alemanya o papunta sa ibang bansa? Mayroong mga pagpipilian sa pamamagitan ng tren, eroplano at bus.

Maraming tao ang naglalakbay sa loob ng Alemanya sa pamamagitan ng tren. Ang Deutsche Bahn (DB) ang nagpapatakbo sa karamihan ng mga ruta. Sa ilang mga rehiyon ay mayroon ding iba pang mga provider. Maaaring maglakbay nang mura ang mga pamilyang may mga anak sa Deutsche Bahn. Kung naglalakbay ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang o isang magulang, walang babayaran para sa kanila hanggang sa edad na 14. Madalas na mahal ang mga tren kung sa huli na bibili ng tiket. Samantalahin ang mga alok sa pagtitipid. Kung bumili kayo nang maaga ay maaari kayong makakuha ng mga murang tiket. Ang Deutschland-Ticket ay may bisa para sa mga rehiyonal na tren na pinapatakbo ng Deutsche Bahn. Ang paglalakbay sa mga rehiyonal na tren ay palaging mas matagal kaysa sa mga ICE na tren.

Ang mga hintuan sa karamihan ng mga lungsod ay para sa mga long-distance na bus at malapit sa pangunahing istasyon ng tren. Naglalakbay sila sa iba't ibang lungsod sa Alemanya at Europa. Kung bibili kayo ng tiket nang maaga ay maaaring maging mas mura ito. Ang mga long-distance bus ay kumportable at kadalasang may Wi-Fi.

Mayroong ilang mga internasyonal na paliparan sa Alemanya. Naglalayag ang mga malalaking barko sa mga isla sa North Sea at Baltic Sea.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami