Pag-aalaga sa Bata

Schild mit Aufschrift "Kindergarten" © Goethe-Institut/ Gina Bolle

Kung nagtatrabaho kayo, kailangan ninyo ng pangangalaga para sa inyong anak. Mayroong iba't ibang mga opsyon: ang Kinderkrippe, playgroup, kindergarten, after-school care center o lunchtime care. Mayroon ding mga taong mangangalaga sa inyong anak.

Audio-Player: Artikel anhören

Artikel anhören

Kinderbetreuung

Mga Daycare Center - Magkasamang Paglalaro at Pag-aaral

Maraming bata ang pumupunta sa isang daycare center (tinatawag na “Kindertagesstätte” o Kita). Doon sila nakikipaglaro sa ibang mga bata at nakakahanap ng mga bagong kaibigan. Maaari ding manatili sa bahay ang inyong anak at kasama kayo. Ngunit ang isang daycare center ay may maraming pakinabang. Doon matututo ng wikang Aleman at iba pang mga bagay ang inyong anak.

May ilang mga daycare center depende sa laki ng lungsod at munisipalidad. Ngunit mayroon ding mga daycare center na pinamamahalaan ng simbahan o iba pang organisasyon, tulad ng Caritas. May mga pribadong daycare center at mga inisyatiba ng magulang. Ang inisyatiba ng magulang ay itinatag mismo ng mga magulang. Ang ilang mga daycare center ay may dalawang wika, hal. Aleman at Espanyol. Mayroon ding mga daycare center kung saan nasa labas buong araw ang mga bata.

Mga Gastusin

Kadalasang may gastusin sa mga daycare center. Ang mga pribadong daycare center ay kadalasang nagkakahalaga ng mas mataas kaysa sa mga daycare center ng munisipyo. Nag-iiba ang mga gastusin sa bawat estado. At hindi lahat ay kailangang magbayad ng parehong halaga. Depende ito sa ilang bagay: Magkano ang kinikita ninyo? Ilang taong gulang na ang inyong anak? At ilang oras mananatili ang bata sa daycare center? Sa ilang pederal na estado at lungsod ay libre ang pangangalaga sa bata. Minsan nalalapat ito sa lahat ng lugar ng pangangalaga ng bata, minsan sa kindergarten lang. Karamihan sa mga bata ay nakakakain at nakakainom sa daycare center. Para rito ay kailangan ninyong magbayad bawat buwan. Kung kapos kayo sa pera, may suporta naman. Maaari kayong magtanong sa job center o sa Tanggapan ng Kapakanang Panlipunan.

Pagpaparehistro

Mula noong tanong 2013 ay may legal na karapatan sa isang daycare center ang mga batang may edad na labindalawang buwan pataas. Nangangahulugan ito na ang bawat bata na may edad 1 pataas ay maaaring dumalo sa isang daycare center kung gustuhin ito ng kanilang mga magulang. Ngunit sa kasamaang palad, madalas na hindi ito posible. Napakakaunti ang bilang ng mga daycare center at mga tagapagturo sa Alemanya. Dapat kayong magrehistro nang maaga. Dapat ninyong ipatala ang inyong anak sa ilang mga daycare center. Kung hindi kayo makakuha ng slot, maaari kayong magdemanda. Nangangahulugan ito na ang korte ang magpapasya kung makakatanggap kayo ng pera. Halimbawa, dahil hindi kayo makakapagtrabaho o makakapagtrabaho lang kayo nang mas kaunti dahil sa kakulangan ng espasyo para sa pag-aalaga ng bata. O dahil mas malaki ang gastos sa ibang lugar.

Mga Maliliit na Bata hanggang sa 3 Taong Gulang

Nagtatrabaho ba kayo at ang inyong partner at mayroon kayong isang maliit na anak (ilang buwang gulang hanggang 3 taong gulang)? Maaaring ilagay ang inyong anak sa isang Kinderkrippe o nursery. Napakakaunti ang bilang ng bata na maaaring tanggapin sa mga Kinderkrippe o nursery. Madalas nirerehistro ng mga magulang ang kanilang mga anak habang buntis pa ang ina.

Maaari ding manatili ang inyong anak sa isang tagapag-alaga. Pupunta sila sa tahanan ng tagapag-alaga. Maliit na grupo lang ng mga bata ang kanilang inaalagaan.

Hindi ninyo kailangan ng pangangalaga sa bata araw-araw? Ngunit gusto niyo ba na makipag-ugnayan ang inyong anak sa ibang mga bata? Mayroon ding  mga playgroup. Maaaring dumalo ang mga magulang at mga anak sa mga grupong ito nang sama-sama. O ang mga bata ay inaalagaan lang doon ng ilang oras. Mayroon ding iba pang aktibidad para sa magulang at anak para sa maliliit na bata tulad ng paglangoy ng sanggol, magkasamang pag-awit, o pag-eehersisyo. Maaari ninyong makilala ang iba pang mga magulang doon.

Kindergarten

Mula sa edad na 3 hanggang sa magsimula silang mag-aral ay pumupunta ang mga bata sa kindergarten. Doon sila maaaring maglaro, kumanta, magpinta, at gumawa ng mga bagay gamit ang kamay. Karamihan sa mga kindergarten ay may malaking hardin. Sa maraming mga kindergarten ay lumalabas sa tag-init ang mga guro kasama ang mga bata sa kalikasan o gumagawa ng iba pang mga iskursyon.

Ang lahat ng mga bata ay dapat dumalo sa kindergarten bago ang edad na 5. Ito ay isang mahalagang paghahanda para sa paaralan. Maraming kindergarten ang nag-aalok ng suporta sa wika. Tinutulungan nila ang mga bata na hindi pa masyadong marunong magsalita ng Aleman. Minsan mahirap ang wikang Aleman kahit para sa mga batang Aleman. Halimbawa, naglalaro ang mga tagapagturo ng mga laro sa wikang ito kasama ang mga bata, nagbabasa sa kanila at nagkukuwento.

Mayroon ding mga kindergarten sa maliliit na bayan. Irehistro nang maaga ang inyong anak sa kindergarten. Wala rin masyadong lugar dito. Sa kindergarten ay makakahanap ang inyong anak ng mga kaibigan, magsasalita ng Aleman at mabilis na makikilala ang bagong bansa.

Ang ilang kindergarten ay bukas lamang hanggang tanghali (mula 7 o 8 ng umaga hanggang 12 o 1 ng hapon). Ang ibang mga kindergarten ay bukas buong araw (mula 7 o 8 n.u. hanggang 4 o 5 n.h.).

Mga Bata sa Paaralan

Ang mga batang may edad 6 o 7 pataas ay dapat pumasok sa paaralan. May obligatoryong pag-aaral. Maaaring basahin ang higit pa tungkol dito sa aming teksto na "Sistema ng Paaralan". Kung nagtatrabaho kayo, maaaring pumasok ang inyong anak sa isang paaralan sa buong araw o sa isang after-school care center o lunchtime care center. Sa karamihan ng mga kaso ay maaari ding kumain ng tanghalian ang inyong anak doon. Maaaring manatili ang inyong anak sa after-school care center hanggang 4 o 5 ng hapon. Hindi ganoon katagal nakabukas ang mga lunchtime care center.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami