Sistema ng Paaralan

Tisch mit Buntstiften © Goethe-Institut/ Gina Bolle

Sa Alemanya ay mayroong obligatoryong pag-aaral: kailangang pumasok ang mga bata sa paaralan sa loob ng 9 na taon. Ang isang taon ng pag-aaral ay nagsisimula sa Agosto o Setyembre at tumatagal hanggang Hunyo o Hulyo, depende sa pederal na estado.

Obligatoryong Pag-aaral at mga Gastusin

Karaniwang pumapasok ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Wala ritong bayarin sa paaralan. Mayroon nga lang na kaunting gastos para sa mga kopya, materyales, o mga iskursyon. Sa mga pribadong paaralan ay may mga bayarin sa paaralan.

Hindi pa marunong magsalita ng Aleman ang inyong anak at kailangan ang espesyal na suporta para sa wikang Aleman? Direktang makipag-ugnayan sa paaralan.

Uri ng Paaralan

Mayroong iba't ibang uri ng paaralan. Lahat ng mga bata na may edad 6 o 7 pataas ay pumapasok sa elementarya (“Grundschule” o “Primarschule”). Pagkatapos ng ika-4 na baitang, pupunta ang mga bata sa isang sekondaryang paaralan. Sa ika-4 na baitang ay madalas na nagbibigay ng payo ang paaralang elementarya tungkol sa kung saang paaralan maaring makapasok ang inyong anak. Mayroong iba't ibang mga sekondaryang paaralan, depende sa pederal na estado:

“Hauptschule” o “Mittelschule” (ika-5 hanggang sa ika-9 o ika-10 na baitang): Nag-aalok din ang sekondaryang paaralan ng mga praktikal na asignatura gaya ng gawaing-kamay o technical drawing. Sa isang sekondaryang paaralan makakakuha ng school leaving certificate o isang kwalipikadong sertipiko ng sekondaryang paaralan pagkatapos ng ika-9 na baitang. Hindi lahat ng pederal na estado ay may sekondaryang paaralan. Kadalasan mayroon ding mga middle school o “Mittelschule” na tinatawag. Dito ay kadalasang mayroong maraming praktikal na karanasan ang mga mag-aaral. Dito maaaring makakuha ng school leaving certificate sa middle school o isang kwalipikadong diploma pagkatapos ng ika-9 na baitang. Maaari ring makakuha rito ng isang intermediate school leaving certificate pagkatapos ng ika-10 baitang. Pagkatapos ay maaaring matuto ng isang propesyon o pumasok sa mas mataas na paaralan.

“Realschule” (ika-5 hanggang ika-10 baitang): May isang mas mataas na paaralan na tinatawag na “Realschule”. Dito makakakuha ng kwalipikasyon ng “Realschule”. Pagkatapos ay maaaring matuto ng isang propesyon o pumunta sa mas mataas na paaralan.

“Gymnasium” (ika-5 hanggang ika-12 o ika-13 na baitang): Sa “Gymnasium” gagawin ang
tinatawag na “Abitur” at maaari nang mag-aral sa isang unibersidad. Dito ay madalas natututo ng 2-3 banyagang wika, gaya ng Ingles at Pranses. Ginagawa ng mga mag-aaral ang “Abitur” pagkatapos ng ika-12 baitang (G8) o pagkatapos ng ika-13 baitang (G9), depende sa pederal na estado.

Komprehensibong paaralan o “Gesamtschule” (ika-5 hanggang ika-13 baitang): Sa ilang pederal na estado ay may mga komprehensibong paaralan o “Gesamtschule” na tinatawag. Magkasama ang Hauptschule, Realschule, at Gymnasium sa iisang paaralan. Maaari kayong makakuha ng sertipiko ng sekondaryang paaralan, isang diploma o kwalipikasyon sa Realschule o isang kwalipikasyon sa pagpasok sa unibersidad. Kung nais ng isang bata na lumipat ng paaralan, hal. mula sa Hauptschule patungo sa Realschule, mas madali na ito. Kung hiwalay ang mga paaralan, maaari pa ring lumipat, ngunit hindi ito gaanong kadali.

Mga espesyal na paaralan: Sa bawat pederal na estado ay mayroon ding mga bilingual na paaralan, mga espesyal na paaralang pangsuporta, at teknikal at bokasyonal na paaralan. Makakahanap ng mga mas detalyadong impormasyon sa aming mga infographic.

Oras ng Paaralan at Pangangalaga sa Hapon

Sa karamihan ng mga paaralan ay nagtatapos ang mga klase sa tanghali o maagang hapon (2 o 3 n.h.). Maaaring pumunta ang isang bata sa isang pasilidad ng pangangalaga sa hapon, hal. sa isang after-school care center. Maaari manatili ang bata doon sa hapon. Makakakuha rin siya ng makakain at tulong para sa kanyang mga takdang-aralin. Ngunit kailangang magbayad sa after-school care center.

Dumadami rin ang mga paaralan para sa buong araw. Buong araw nananatili rito ang mga bata, kadalasan hanggang 4 o 5 n.h.. Makakakuha sila ng tanghalian at tulong sa kanilang mga takdang-aralin. Kadalasang maaaring kumuha ng mga espesyal na kurso ang mga bata, tulad ng isports, pagguhit, o teatro. Walang babayaran para sa mga pampublikong paaralan para sa buong araw. Sa mga pribadong paaralan naman ay may mga bayarin sa paaralan.

Asignatura sa Paaralan

Maraming asignatura ang mga bata sa paaralan. Kasama rin dito ang mga klase sa pisikal na edukasyon. Madalas may kurso rin sa paglangoy. Karamihan sa mga paaralan ay nag-aalok ng Kristiyanong asignaturang panrelihiyon. Pero maaari ring tumanggi sa mga asignaturang panrelihiyon at hindi na kailangang dumalo pa rito. Bilang halili ay mayroong mga aralin sa etika at, sa ilang paaralan, mga aralin sa ibang relihiyon (hal. Islam o Hudaismo).

Kung ang inyong anak ay nahihirapan sa isang asignatura sa paaralan, maaari siyang kumuha ng tutoring. Maaring magmula sa pribadong tutor o sa isang tutoring school. Ang pribadong pagtuturo ay karaniwang medyo mas mura.

Mga Extracurricular

Ang mga bata sa paaralan ay karaniwang pumupunta sa isang field trip sa isang taon. Karaniwan itong tumatagal ng 3 hanggang 5 araw. Magkasamang pupunta ang isang klase patungo sa ibang lungsod o lugar. Mayroon ding mga araw ng hiking. Magkasama ang mga bata sa pagpunta. May natutunan ang mga bata tungkol sa kasaysayan, kultura at kalikasan. May mga pagdiriwang din ang mga paaralan. Halimbawa ay mayroong mga pagtatanghal sa teatro o konsyerto ng mga mag-aaral.

Mga Magulang

Ang bawat paaralan ay may kinatawan ng magulang: ito ang mga magulang na nagtutulungan sa paaralan. Mayroong mga miting ng mga magulang sa paaralan ilang beses sa isang taon. Dito nakakatanggap ang mga magulang ng mahalagang impormasyon mula sa mga guro at maaaring makilala ang isa't isa. Maaari ring makipag-appointment sa isang guro at makipag-usap sa kanya nang mag-isa. Ito ay tinatawag na parent-teacher meeting. Ipinapaalam sa mga magulang: Kumusta ang bata sa paaralan? Kumusta ang performance niya? Mayroon bang anumang mga problema?

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami