Talahuluganan
A
after-school care center (kadalasan para sa mga bata mula Grade 1 hanggang Grade 4)
Sa isang after-school care center maaaring manatili ang mga bata pagkatapos ng klase kung nagtatrabaho ang mga magulang. Minsan ay maaari nang manatili dito bago pa magkaroon ng klase. Dito nakakakuha ang mga bata ng tanghalian at tulong para sa mga takdang aralin. Kadalasan maaaring manatili ang mga bata hanggang sa ika-4 o ika-5 ng hapon.
Aplikasyon para sa pag-aaral
Kung gusto ninyong mag-aral sa isang paaralan o unibersidad sa Alemanya, kailangan ninyong mag-aplay para rito. Kasama sa aplikasyon ang mga dokumento tulad ng diploma at sertipiko ng wika. Dapat ay opisyal na sertipikado ang mga dokumento. Mayroon ding mga paaralan na kailangan ding magsulat ng isang liham kung saan ibinabahagi ninyo kung bakit gusto ninyong mag-aaral doon. Susuriin ng paaralan ang inyong mga dokumento at magpapasya kung maaari kayong mag-aral doon.
Aplikasyon para sa trabaho
Kung gusto ninyong makapagtrabaho sa isang kumpanya, kailangan ninyong gumawa ng isang aplikasyon. Kadalasan binubuo ito ng isang liham na kung saan ipinapakita ang inyong sarili at mga kaalaman at dunong (tinatawag din itong “Anschreiben” o cover letter), isang resumé na may litrato, at ang inyong mga sertipiko. Ang ikalawang parte ng inyong aplikasyon ay ang panayam o interview na kung saan ay iimbitahin kayo ng tauhan ng kumpanya kapag maganda ang inyong sinulat na aplikasyon.
Kailangan ding mag-aplay para sa isang bokasyonal na pagsasanay.
Kailangan ding mag-aplay para sa isang bokasyonal na pagsasanay.
B
Bachelor course
Ang bachelor course ay isang degree course na maaaring kunin kapag may kwalipikasyon sa pagpasok sa unibersidad. Kadalasang tumatagal ito ng 3 hanggang 4 na taon. Pagkatapos ng isang bachelor course ay maaari nang kumuha ng master’s degree course.
Bayad sa paglipat
Lumipat kayo sa isang tirahan at mayroon pang muwebles mula sa huling nagrenta? Kadalasan ay kailangan ninyong magbayad ng tinatawag na “Ablöse”. Kadalasan ay para ito sa mga malalaki at mabibigat na muwebles tulad ng aparador, o di kaya’y para sa mga muwebles sa kusina gaya ng lutuan at ref.
Ahensya para sa Trabaho
Dito kayo matutulungang makahanap ng angkop na trabaho. Mapapayuhan kayo at makakahanap ng mga alok na trabaho mula sa lahat ng industriya. Makakakuha rin minsan ng tulong pinansyal. May tanggapan para sa manggagawa sa bawat lungsod. Mahahanap ang inyong tanggapan sa www.arbeitsagentur.de (Federal Employment Agency)(Ingles).
Ahente para sa real estate
Kung naghahanap kayo ng bagong tirahan at kailangan ninyo ng tulong, tutulungan kayo ng isang ahente para sa real estate. Siya ang maghahanap ng tirahan o bahay para sa inyo. Kailangan siyang bayaran para sa kanyang tulong.
Aralin sa etika
Sa karamihan ng mga pederal na estado ay maaaring pumili ang mga mag-aaral sa pagitan ng relihiyosong edukasyon at aralin sa etika. Sa Berlin ay kailangan pumunta ang lahat ng mga mag-aaral sa mga klase sa etika. Hindi kailangan ang relihiyon sa mga aralin sa etika: May natututunan dito tungkol sa iba’t ibang relihiyon at pilosopiya.
Asignaturang panrelihiyon
Ito ay isang asignatura sa paaralan. Kadalasang mga aralin ito sa relihiyong Protestante o Romano Katoliko. Sa ilang mga pederal na estado ay mayroon ding mga aralin sa mga relihiyong Ortodokso, Hudaismo, Islam, o Buddhaismo sa mga paaralan. Hindi kailangang pumunta ang isang bata sa mga klase sa relihiyon, ngunit kadalasan ay hindi ito oras ng paglibang. Sa maraming pederal na estado ay kailangang dumalo sa mga klase sa etika. Ito ay mga aralin sa pilosopiya.
Assessment test
Kung di sapat ang school leaving certificate para sa pag-aaral sa Alemanya, kailangang pumasa sa isang "assessment test" sa isang preparatory college. Pagkatapos nito ay maaari nang mag-aral sa isang unibersidad sa Alemanya.
Bakuna
Maraming sakit ang nagmumula sa bacteria o virus. Sa pamamagitan ng bakuna nagbibigay ang doktor sa isang tao ng pareho ngunit napakahinang bacteria o virus. Nabubuo ang mga tinatawag na antibodies bilang resulta ng pagbabakuna. Ang mga antibodies ay nagpoprotekta laban sa mga bakterya at virus. Hindi na siya nakukuha ng mga sakit na ito. Ang ilang mahahalagang bakuna ay laban sa mga susunod na sakit: tetano, tigdas, rubella, mumps, polio, whooping cough.
Batas sa Imigrasyon ng mga Dalubhasa
Mayroon ba kayong bokasyonal na pagsasanay o praktikal na kaalaman sa inyong propesyon? Dahil sa batas na ito ay mas madali ang migrasyon papunta sa Alemanya.
Bayarin
Ito ang perang ibinabayad para sa isang serbisyo.
Bayarin sa paaralan
Pribadong paaralan lamang ang may babayaran. Sa mga pribadong paaralan ay madalas na nagbabayad ng malaking pera para sa mga aralin.
Benepisyo sa kawalan ng trabaho
Kung nawalan kayo ng trabaho, maaari kayong makatanggap ng tinatawag na “Arbeitslosengeld”. Nanggagaling ito sa seguro para sa mga nawalan ng trabaho. Susuportahan kayo ng “Arbeitslosengeld” hangga’t makahanap kayo ng bagong trabaho.
Bokasyonal na degree
Ito ay isang uri ng school leaving certificate. Ang bokasyonal na degree ay kinukuha sa isang bokasyonal na paaralan, sa isang teknikal na akademya o sa isang bokasyonal na sekundaryong paaralan. Maaari rin itong makuha sa pamamagitan ng distance learning sa isang kolehiyong bokasyonal. May 2 uri ng bokasyonal na degree: ang technical college entrance qualification at ang subject specific university entrance qualification. Sa bokasyonal na degree, maaari kayong mag aral sa ilang mga unibersidad.
Bokasyonal na pagsasanay
Dito matuto ng isang trabaho. May pagsasanay sa loob ng paaralan lamang at mayroon ding dalawahan o dual na pagsasanay. Ang pagsasanay sa paaralan ay sa isang bokasyonal na paaralan lamang. Tumatagal ito ng 1 hanggang 3.5 taon. Karaniwang may dalawahang bokasyonal na pagsasanay sa Alemanya. Ang dalawahang pagsasanay ay kadalasang may dalawang bahagi: ang una ay sa isang paaralang bokasyonal at ang ikalawa ay ang pagtrabaho sa isang kumpanya. Kadalasang tumatagal sa pagitan ng 2 at 3.5 taon ang pagsasanay na ito. Depende ito sa propesyong papasukan at pati na rin sa tinatawag na “Schulabschluss” o school leaving certificate. Sa “Abitur” madalas na mas maikli ang panahon ng pagsasanay.
Bokasyonal na pagsasanay na nakabatay sa paaralan
Ang pagsasanay sa bokasyonal na nakabase sa paaralan ay magagawa lamang sa isang bokasyonal na paaralan. Upang gawin ito, kailangan ang sertipiko ng pag-alis ng paaralan at kung minsan ay karagdagang karanasan (hal. isang internship). Ang pagsasanay sa bokasyonal na nakabase sa paaralan ay tumatagal ng 1 hanggang 3.5 taon depende sa propesyon.
C
Checking account
Ito ang pinaka-importanteng account sa bangko. Kailangan ito upang hal. magbayad ng upa o makuha ang sweldo. Kailangan din ito sa paglipat ng pers, deposito, o pagbayad sa internet nang walang pisikal na pera. Kung mayroon kayong kasalukuyang account sa bangko, makakakuha kayo ng debit card o giro card. Madalas ay kailangang magbayad sa bawat buwan para sa isang giro card sa bangko.
Clearance sa pulisya
Ito ay dokumento galing sa tanggapan ng gobyerno. Dito nakalagay kung namultahan na kayo ng pulis. Minsan ay gusto itong makita ng mga employer.
Credit card
Maaaring magbayad nang walang pisikal na pera gamit ang isang credit card. Hindi direktang debited ang pera mula sa kasalukuyang account. Karaniwan ay may buwanang debit. Para itong maliit na pautang. Hindi lahat ng tindahan ay tumatanggap ng credit card. Madalas na maaari kayong magbayad palagi gamit ang credit card sa internet, pati na sa tren at mga airline. Kadalasang kailangan magbayad buwan-buwan sa inyong bangko para sa isang credit card.
Curriculum vitae o CV
Ang CV ay bahagi ng mga dokumente para sa aplikasyon para sa isang trabaho. Kabilang dito ang hal. pangalan, hanapbuhay, edukasyon at dating trabaho o espesyal na kaalaman (kagaya ng mga dunong, pinag-aralan, o kaalaman sa computer o mga banyagang wika). May mga halimbawa ng CV sa Ahensya Para Sa Manggagawa.
D
Dalawahan o dual na pagsasanay sa trabaho
Kadalasang may dalawahan o dual na pagsasanay sa trabaho sa Alemanya. Tinatawag din itong bokasyonal na pagsasanay sa kumpanya mismo. Mayroon itong dalawang bahagi: ang praktikal at and teoretikal. Natututunan sa kumpanya mismo ang praktikal na bahagi ng pagsasanay, kung saan nagtatrabaho doon bilang trainee o intern at makakasweldo kayo nang kaunti. Para sa bahaging teoretikal ay pumupunta sa paaralang bokasyonal.
Daycare center
Ito ang tawag sa mga lugar na kung saan naaalagaan ang mga bata. Ilang halimbawa nito ay ang mga kinderkrippe, kindergarten, at mga daycare center para sa mga mag-aaral (“Hort”). Tinatawag din silang “Kita”.
Debit card
Gamit ang isang debit card, maaari kayong makakuha ng pisikal na pera sa mga ATM o magbayad para sa bilihin nang walang pisikal na pera. Maaari ring bumili sa internet gamit nito. Makakakuha kayo ng isang debit card kung may account kayo sa isang bangko. Hindi ito credit card. Binabawas agad ng nagtitinda ang pera sa inyong account. Ang debit card ay ginagamit kadalasan sa Europa at sa buong mundo, ngunit may iilang mga tindahan, hotel, at nagpapaupa ng kotse na hindi tumatanggap ng debit card. Kaya laging nag-aalok ang mga bangko ng mga debit card, ang tinatawag na Girokarte, at credit card.
Deposito (“Kaution” o “KT”)
Kung gusto ninyong lumipat sa bagong tirahan, magbabayad kayo kalimitan ng deposito sa may-ari o nagpaparenta. Tinatawag ding "rental security" o “Mietsicherheit” ang depositong ito. Maaaring gamitin ng may-ari o nagpaparenta ang perang ito sa isang kagipitan, hal. kung hindi nagbayad ng upa ang nagrerenta. Karaniwang makukuha ulit ang depositong ito sa paglipat at pag-alis mula sa tirahan. Hindi sasagad sa 3 malamig na renta o pangunahing renta ang isang deposito.
Direktang debit
Kung bumili kayo gamit ang direktang debit, ibabawas ang halagang ito mula sa inyong account. Ibig sabihin nito na pinahihintulutan ninyo ang nagtitinda na kunin ang pera mula sa inyong account. Kung ang account na ito ay sa isang bangko sa Alemanya, wala itong bayad sa paglipat. Maaaring magbayad gamit ang direktang debit sa pagbayad sa internet pati na sa mga seguro at buwanang bayarin gaya ng kuryente, gas, telepono, at koneksyon sa internet. Pinahihintulutan ninyo ang seguro o ang isang kumpanya na kunin ang halaga mula sa inyong account.
Doctorate, paggawa ng PhD
Sa isang PhD program ay makakakuha kayo ng doctorate degree. Ito ang pinakamataas na degree sa mga unibersidad. Sa pamamagitan ng isang titulo ng doktor ay maaari kayong pumunta sa agham at pananaliksik. Maaari rin kayong magturo sa mga unibersidad.
Doktor (general practitioner)
Siya ay isang doktor para sa lahat ng sakit. Kung may sakit kayo, siya ang unang pupuntahan. Masasabi niya kung ano ang inyong sakit o kung anong uri ng doktor ang dapat ninyong puntahan. Ang isa pang tawag sa kanya ay „Hausärztin“ o „Hausarzt“.
Dokumento para sa pagkakakilanlan o ID
Ang dokumentong ito ang magpapatibay ng inyong pagkakakilanlan, hal. ang pasaporte at ang lisensya upang makapagmaneho.
E
Ebalwasyon ng sarili sa pagrenta
Kung gusto ninyong mag-upa ng tirahan, gusto minsan ng mga nagpapaupa ng isang ebalwasyon ng sarili sa pagrenta. Magsasagot kayo ng mga katanungan hal. ang inyong marital status o kita. Mahahanap ang dokumentong ito sa internet. Hanapin lang ang mga salitang „Mieterselbstauskunft Vorlage“ sa internet.
Elektronikong income tax card
Gamit ang kard na ito (tinatawag din itong “elektronische Lohnsteuerkarte” o “ElStAM”) natatanggap ng employer ang lahat ng impormasyon para sa payroll accounting hal. para sa klase ng buwis mula sa Finanzamt (ang opisina para sa buwis). Ito ay kung paano kinakalkula ang inyong buwis. Ibinabawas ang halaga ng buwis mula sa inyong sweldo o sahod at ibinabayad ito sa tanggapan ng buwis. Dati ay papel na kard ito, ngunit ngayon ay digital na ang lahat at nasa computer na.
Embahada
Ang embahada ay kagaya ng isang konsulado. Ito ang kinatawan ng isang estado sa ibang bansa. Mahahanap ang impormasyon tungkol sa Embahada ng Alemanya sa www.diplo.de.
Empleyado
Kung nagtatrabaho kayo sa isang kumpanya, kayo ay isang empleyado.
Ang European Economic Area
Ito ang lahat ng mga bansa sa European Union (EU), kasama na rin ang Iceland, Liechtenstein, at Norway.
Ang European Union (EU)
Ang EU ay isang pang-ekonomiya at pampulitikang pakikipagtulungan sa pagitan ng mga estado sa Europa. Sa ngayon ay mayroong 27 na estado. Ang mga estadong ito ay may mga karaniwang prinsipyo tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at demokrasya. Mayroon din silang isang karaniwang merkado para sa kanilang mga kalakal at paggawa. Maaaring manirahan at magtrabaho sa anumang bansa sa EU ang mga mamamayan ng isang bansa sa EU. Mayroon ding isang karaniwang pera ang 17 na estado sa EU: ang euro (€).
F
flat rate
Eksakto ang bayarin na ito at hindi mahalaga kung gaano katagal ang tawag o ang pag-surf sa internet.
Freelancer
Nagtatrabaho nang mag-isa ang mga freelancer sa isang liberal na propesyon, hal. artista, manunulat, o doktor. Hindi nila kailangang magrehistro ng negosyo.
G
Garantiya
Kung bumili kayo ng isang kagamitan (hal. isang TV) ngunit sira na ito ngayon, kadalasang may garantiya. Maaaring ibalik ito sa tindahan. Dapat nila itong palitan o bayaran ang pag-ayos nito. Nagtatagal lang ang garantiyang ito sa isang takdang panahon (kadalasan tumatagal ito ng isang taon, pero minsan may tumatagal ng higit pa).
Guro o nagtuturo
Siya ay isang guro na nagtuturo sa isang paaralan. Ang isa pang tawag sa “Lehrkraft” ay “Lehrperson”.
H
Halalan sa Europa
May halalan sa Europa sa bawat limang taon. Naghahalal ang lahat ng mga mamamayan ng European Union para sa Parlamento ng Europa. Iba-iba ang mga patakaran para sa halalan sa Europa sa lahat ng mga bansa nito.
Halalan sa Kommune
Ang Kommune ay isang lungsod o isang munisipalidad. Ito ang pinakamaliit na yunit sa Alemanya. May mga eleksyon din doon. Ang mga patakaran para sa lokal na halalan ay iba-iba sa bawat estado.
Halalan sa parlamento ng estado
Tuwing apat o limang taon hinahalal ang mga kinatawan para sa parlamento ng estado.
Huling iksamen
Ito ay isang iksamen sa dulo ng isang pagsasanay. Ipinapakita ng mga trainee ang kanilang natutunan. Kapag naipasa ang huling iksamen na ito, matatanggap ang sertipikong katibayan na natapos ang pagsasanay.
I
Iksamen ng Wikang Aleman para sa mga Imigrante
Ito ang huling iksamen sa isang kurso para sa integrasyon. Ginagawa ito sa pagtatapos ng kurso. Kaya na ninyo magsalita ng Aleman sa antas na A2 o B1.
Iksamen ng Wikang Aleman para sa Pagpasok sa Unibersidad (TestDAF)
Para sa pag-aaral sa isang unibersidad o kolehiyo ay dapat magaling kayong makapagsalita ng Aleman at makapasa sa isang iksamen para rito. Kadalasan ay maaari kayong makagawa ng iksamen sa inyong sariling bansa. Makakahanap kayo ng mga impormasyon sa www.dsh-germany.com (Ingles) at sa www.testdaf.de(Aleman).
Impormasyon sa SCHUFA
Madalas na gustong makita ng mga nagpapaupa ang impormasyon ng SCHUFA. Nagbibigay ito ng impormasyon kung mayroon kayong mga utang sa Alemanya. Maaari kayong mag-aplay para sa SCHUFA sa www.schufa.de . Mayroong iba't ibang uri ng impormasyon na magagamit. Libre ang ilan, ngunit may babayaran para sa mga iba. Hindi dapat lumampas sa tatlong buwan mula sa pag-issue ang dokumentong ito.
Inisyatiba ng magulang
Ito ay isang daycare center na itinatag ng mga magulang. Kadalasan na maraming mga magulang ang nag-aayos ng kanilang sariling daycare center dahil walang sapat na lugar sa kanilang lungsod. Sinusuportahan ng lungsod ang mga inisyatibong ito. Minsan ay kailangang tumulong ang mga magulang, hal. sa pagkain o pag-aalaga ng mga bata kapag may sakit ang tagapagturo or tagapag-alaga.
Inklusyon
Pare-pareho ang lahat ng tao at walang maaaring makaranas ng diskriminasyon. Ibig sabihin nito na sinasama ang lahat sa lipunan, maging sa trabaho o sa paaralan. Ito ang kabaligtaran ng eksklusyon. Dapat magkaroon din ang mga taong may kapansanan ng normal na buhay hangga't maaari. Sa mga inclusive schools bilang halimbawa, ang mga batang may kapansanan at walang kapansanan ay magkasamang natututo. Dapat din madali ang paghahanap ng trabaho para sa mga may kapansanan.
Inspeksyon ng tiket
May mga nagiinspeksyon upang makita ang inyong tiket sa bus, tram, subway, o tren. Kung wala kayong ticket, kailangang magbayad ng multa.
Integration Advisory Board
Hindi pinapayagang bumoto ang mga taong hindi nanggaling sa EU sa Alemanya, ngunit may boses pa rin sila sa pulitika. May mararaming Integration Advisory Board (“Integrationsbeirat”) sa iba’t ibang lugar. Kinakatawan nila ang lahat ng mga tao na may karanasang lumipat sa Alemanya mula sa ibang bansa at pinapayuhan ang mga lungsod at munisipalidad. Nais nilang mapabuti ang magkasamang pamumuhay ng mga migrante at Aleman.
Internship
Sa isang internship nakakakuha ng praktikal na karanasan sa isang trabaho. Paiba-iba ang tagal ng isang internship. Maaaring tumagal ito ng 2 linggo. Minsan tumatagal din ito ng ilang buwan. Minsan nakakatanggap din ng pera.
J
Job portal
Ang jobportal ay isang plataporma sa Internet. Doon makikita ang mga patalastas sa trabaho mula sa mga kumpanya na naghahanap ng mga empleyado.
Job-Center
Tumutulong ang Job-Center kung napakakaunti na lang ang inyong panggastos. Maaari mag-aplay dito para sa tulong pinansyal. May Job-Center sa bawat lungsod. Makikita ang adress ng inyong Job-Center sa www.arbeitsagentur.de.
K
Kaakibat o karagdagang gastos sa upa
Ang mga gastos na ito ay idinadagdag sa presyo ng pag-upa ng apartment. Ilang halimbawa nito ang mga gastusin para sa tubig, ilaw sa hagdanan at sa ilalim ng bahay, pagtatapon ng basura, at antena o kable sa telebisyon. Minsan kasama ang pag-init at kuryente sa mga karagdagang gastos, ngunit kadalasan ay nagbabayad pa ng dagdag.
Kadaliang gumalaw, madaling galawan
Ibig sabihin nito na madaling makarating o makagalaw sa isang lugar, lalo na sa mga may kapansanan. Ang isang gusali ay madaling galawan kung hal. May rampa para sa mga taong may silyang naka-gulong.
Kard sa bangko
Maaari kayong magbayad nang walang pisikal na pera gamit ang card na ito kung mayroon kayong kasalukuyang account. May mga tinatawag na debit card, credit card, at ang tinatawag na Girokarte.
Kasunduan sa upa
Kung nag-uupa kayo ng isang tirahan, may kasunduan kayo sa renta. Pipirmahan ninyo at ng nagpapaupa ang kasunduang ito bago kayo magsimulang manirahan.
Ang katutubong wika o sariling wika
Ang sinumang dumating sa Alemanya mula sa ibang bansa ay may ibang wikang kinagisnan na hindi Aleman. Ito ang wikang ginagamit mula noong pagkabata pa. Ang isa pang salita para sa "Herkunftssprache" (wikang kinagisnan) ay "Erstsprache” (unang wika) o “Muttersprache” (sariling wika).
Kawalan ng kakayahang magtrabaho
Hindi kayang magtrabaho ang isang tao, hal. dahil sa sakit o pagkatapos ng aksidente.
Kinatawan ng mga empleyado
Nirerepresenta ng kinatawan ng mga empleyado ang mga interes ng mga nagtratrabaho sa isang kumpanya. Kung may problema sa kumpanya, makakahanap ng tulong sa kinatawang ito. Namamagitan ito sa mga empleyado at kumpanya. Mayroon ding sanggunian para sa trabaho o empleyado. Sa bawat malaking kumpanya ay may sanggunian sa trabaho. Sa labas ng isang kumpanya, mayroon ding mga unyon.
Kindergarten
Magkasama ang mga bata sa iisang grupo. May mga batang mula 3 hanggang 6 o 7 taong gulang sa kindergarten. Ihinahanda sila para sa pagsimula sa pag-aaral. Natututo ang mga bata sa mga mas nakatatanda at sa mga guro. Karamihan sa mga kindergarten ay may palaruan sa labas.
Kinderkrippe o nursery
Ang kinderkrippe ay parang isang kindergarten para sa mga batang iilang buwang gulang lamang hanggang 3 taong galong.
Komadrona
Ang isang komadrona ay hindi isang doktor ngunit mayroon siyang pagsasanay. Inihahanda niya ang mga babae para sa panganganak. Kasama siya sa panganganak. Siya ang nag-aalaga sa ina at sa sanggol pagkatapos ng panganganak. Tutulong siya sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa inyong anak at sasagutin ang inyong mga tanong.
Komisyon (bayad sa ahente)
Kung uupa kayo o bumibili kayo ng apartment sa pamamagitan ng ahente ng real estate, kailangang bayaran siya para sa kanyang trabaho. Ito ang tinatawag na komisyon.
Ang komprehensibong paaralan
Ito ay isang “Hauptschule”, isang “Realschule”, at isang “Gymnasium” na pinagsama-sama sa iisang paaralan. Nag-aaral ang mga bata ng kursong iba-iba ang antas ng kahirapan. Kung ang isang bata ay hindi gaanong mahusay sa matematika, mag-aaral sya sa isang mas simpleng kurso. Kung magaling ang isang bata sa Ingles, mag-aaral sya sa isang mas mahirap na kurso sa Ingles. Sa isang komprehensibong paaralan ay medyo madali ang paglipat mula sa isang paaralan patungo sa isa pa. Gayunpaman ay walang mga komprehensibong paaralan sa lahat ng dako sa Alemanya.
Konsulado
Ito ang kinatawan ng isang bansa. Ang konsulado ng inyong sariling bansa ay responsable para sa mga dokumento sa Alemanya, bilang isang halimbawa. Kung kailangan ninyo ng pasaporte, pupunta kayo sa inyong konsulado.
Konsultasyon o pagpapayo, pagkonsulta, o pagpayo
Sa isang konsultasyon o pagpapayo ay makakatanggap kayo ng tulong mula sa isang eksperto ukol sa mararaming bagay. Makakahap ng higit pang impormasyon sa “Maghanap ng tulong.”
Kontrata para sa trabaho
Makakatanggap kayo ng isang kontrata sa isang permanenteng trabaho. Doon nakalagay ang mga alituntunin para sa inyong trabaho. Halimbawa: Ano ang kailangan ninyong gawin para sa inyong trabaho? Magkano ang inyong sweldo? Gaano karaming oras kayo magtatrabaho sa isang linggo? Ilang araw ang inyong bakasyon? Pipirmahan ninyo at ng inyong employer ang kontratang ito.
Ang kontrata sa pagbili
Kung bumili kayo ng isang napakamahal na bagay tulad ng isang kotse, kailangan ninyo at ng nagbenta na pumirma ng isang kontrata. Ito ang kontrata sa pagbili. Kasama sa kontrata ng pagbili ang mga bagay tulad ng presyo, petsa ng pagbabayad, atbp.
Kurso para matutong magbasa at magsulat
Ito ay isang kurso para sa mga taong hindi marunong magbasa o magsulat. May mga espesyal na kurso para sa integrasyon na kung saan ay maaari ring matutong magbasa at magsulat. Tinatawag ang mga kursong ito na “Alphabetisierungskurs” at tumatagal ng 900 na oras ng klase.
Kurso para sa integrasyon
Tumutulong ang isang kurso para sa integrasyon sa pagdating sa Alemanya. Doon matututo ang wikang Aleman. At marami ring matututunan tungkol sa Alemanya at kultura ng Alemanya. Sinasagot ng Pederal na Kagawaran sa Migrasyon at Takas (“Bundesministerium für Migration und Flüchtlinge” o “BAMF”). Libre ang kurso para sa ilang mga tao.
Kwalipikasyon ng “Realschule”
Sa pagtatapos ng sekondaryang paaralan ay nakakatanggap ng kwalipikasyon mula sa sekondaryang paaralan. Ito ay nasa ika-10 baitang. Ang kwalipikasyong ito ay tinatawag ding “sertipiko ng pag-alis ng sekondaryang paaralan” o “Mittlere Reife” sa Aleman.
Kwalipikasyon sa mas mataas na edukasyon
Ito ay sertipiko na nagbibigay daan upang mag-aral sa isang unibersidad sa Alemanya. Para sa bachelor's degree, ito ang karaniwang sertipiko ng paaralan. Para sa master's degree, kailangan ang bachelor's certificate. Nagpapasya ang mga unibersidad sa kwalipikasyon ng mga banyagang degree.
L
Limited residence permit
Ito ay isang klase ng permisong manatili sa Alemanya. Ito ay pansamantala lamang. Maaari kayong manatili sa Alemanya para sa isang tiyak na tagal ng panahon. Kayo ay legal na makakapanatili sa Alemanya. Makakakuha kayo ng isang permit para sa isang tiyak na layunin, gaya ng trabaho, pag-aaral, o muling pagsama-sama ng isang pamilya. Maaari itong palawigin o palitan para sa isang unlimited residence permit.
Lisensya sa kalakalan
Gusto ba ninyong magtayo ng sariling kumpanya? O ng isang tindahan, kainan o kapihan? Kailangan ninyo ng lisensya sa kalakalan (“Gewerbeschein”). Maaari itong makuha mula sa tanggapan ng kalakalan. Kailangan isumite ang mga sumusunod na dokumento: ang inyong pasaporte, ang inyong permisong manatili sa Alemanya, ang mga kaugnay na propesyonal na kwalipikasyon at, minsan, isang sertipiko ng clearance ng pulisya.
Lisensya upang makapagmaneho
Kung nagmamaneho kayo ng kotse, trak, o motorsiklo, kailangan ninyo ng lisensya upang makapagmaneho. Nakasaad sa dokumentong ito na pinapayagan kayong magmaneho ng kotse, trak o motorsiklo.
M
Master’s degree program
Ang master ay isang mas mataas na degree course na maaaring gawin pagkatapos ang isang bachelor. Nagsusulat sa dulo ng master’s degree program ng isang master’s thesis. Kadalasang nagtatagal ito ng 2 taon.
Mga dokumento sa aplikasyon
Ito ang inyong liham sa kumpanya kung saan ibinabahagi ninyo kung bakit ninyo gusto ang pwesto at bakit akma kayo rito, ang inyong resumé (dito nakasulat ang inyong mga napag-aralan at kasanayan) na may litrato (opsyonal), at ang inyong mga sertipiko.
Mini-job
Sa isang mini-job ay maaari lamang kumita ng 538 euros bawat buwan. May mga mini-job sa iba't ibang lugar, halimbawa bilang domestic helper, empleyado sa opisina, nagmamaneho, o tauhan sa catering. Makakahanap ng mini-job sa pamamagitan ng job center, sa pahayagan at sa Internet.
Miting ng mga magulang sa paaralan
Bawat taon ay ilang beses na mayroong tinatawag na “Elternabend” na kung saan ay natatanggap ng mga magulang ang mga mahahalagang impormasyon mula sa paaralan at pinag-uusapan din ang mga nakaplaning ekskursyon. Dito makikilala rin ninyo ang mga ibang magulang.
Mobile phone provider
Kung gusto ninyong tumawag, makipag-chat at mag-surf sa internet sa inyong telepono, kailangan ninyo ng mobile phone provider. Nag-aalok sila ng iba't ibang mga taripa. Kasama sa mga mobile phone provider ang Telekom, Vodafone, at O2.
Multa
Tumawid kayo sa kulay pulang ilaw ng trapiko? Nagbisikleta kayo sa daanang pantao? Uminom kayo ng alak at nagmaneho? Kung mahuli kayo ng pulis, kailangan ninyong magbayad ng multa. Minsan ay naghahalaga ito mula 5 hanggang 10 euro. Minsan ay higit na mas mataas pa ang multa. Minsan ay kailangan ninyong isuko ang lisensya ninyo at hindi kayo maaaring magmaneho habang suspendido ito ng ilang araw o buwan.
N
Nag-uupa
Nag-uupa siya ng isang apartment o bahay at nagbabayad ng buwanang renta at kaakibat na gastos (hal. kuryente, tubig, atbp.) sa may-ari o nagpaparerenta.
Nagbibigay-trabaho o employer
Halimbawa nito ay isang kumpanya. Nagbibigay ito ng trabaho para sa mga empleyado. Nagbibigay rin ang estado ng trabaho, hal. para sa mga guro sa paaralan mula nursery hanggang sa kolehiyo. Kung may sarili kayong kumpanya at nagtatrabaho kayo dito, wala kayong tagapagbigay ng trabaho o employer.
Nagsasanay, intern, o trainee
Ito ay isang taong nagsasanay para sa isang trabaho sa loob ng isang kumpanya.
Naturalisasyon
Makakakuha nang pagkamamamayan sa Alemanya pagkatapos ng proseso nito
net
Ang net ang sweldo o sahod na kinaltasan na ng buwis at seguro.
Notaryo
Ang notaryo ay isang espesyal na abogado. Pinahihintulutan silang gumawa ng mahahalagang gawain para sa estado. Sinisigurado nilang tama ang mga dokumento.
O
Opisina ng unibersidad sa ibang bansa o international office
Ang tinatawag na Akademische Auslandsamt ay kaparteng isang unibersidad o paaralan. Tinatawag din itong International Office. Gusto ba ninyong mag-aral sa isang unibersidad? Maaari kayong tulungan ng isang tauhan sa international office.
Opisina para sa Kapakanan ng Kabataan
Ang Youth Welfare Office ang tumutulong sa mga kabataan at kanilang mga magulang, hal. may psychological counselling para sa mga problema sa isang pamilya. Minsan ay napakalaki na ang mga problema na hindi na maaaring manatili sa pamilya ang isang bata. Naghahanap ang Youth Welfare Office ng ibang pamilya na kukuha sa bata sa loob para sa isang haba ng panahon. Madalas ding may mga daycare center ang mga tanggapan ng Youth Welfare Office . May Youth Welfare Office sa bawat lungsod.
Opisyal para sa pantay-pantay na oportunidad
Ito ang mga opisyal sa isang kumpanya, isang institusyon o isang lungsod. Mayroon silang espesyal na gawain. Tinitiyak nila na ang mga tao ay hindi makakaranas ng diskriminasyon o kawalan, hal. mga taong may kapansanan o mga ina.
P
Paaralan para sa buong araw
Maghapon nananatili ang mga bata sa paaralang ito. Kadalasang naroon sila hanggang ika-4 o ika-5 ng hapon. Nakakakuha sila ng tanghalian at tulong sa kanilang mga takdang aralin. Maaaring dumalo ang mga mag-aaral sa mga espesyal na kurso, tulad ng pag-aaral ng isang instrumentong pangmusika, paglaro ng isport, o mga sining ng teatro. Walang bayad sa mga ganitong paaralan ng estado, ngunit kailangang magbayad sa mga pribadong paaralan.
Paaralang bokasyonal (may dalawahang pagsasanay)
Ang paaralang bokasyonal na ito ay kasama sa isang dalawahan o dual na pagsasanay. Dito matututunan ang teknikal na kaalaman para sa trabaho at pati na rin ang mga kaalaman para sa ibang mga trabaho o industriya. May 8 hanggang 12 na oras ito sa bawat linggo. May mga ibang araw na magtatrabaho sa isang kumpanya. Maaari rin na may block classes: may mga linggo na nag-aaaral sa paaralan at sa ibang mga linggo ay nagtatrabaho sa isang kumpanya. May ilang piling mga trabaho na kung saan ay pumupunta muna nang isang taon sa paaralang bokasyonal. Matapos nito ay maghahanap na ng isang pwesto sa pagsasanay sa isang kumpanya. Walang bayad sa mga paaralang bokasyonal. Gaya sa mga normal na paaralan ay babayaran lamang ang mga materyales na gagamitin.
Paaralang bokasyonal (purong pag-aaral)
Ang paaralang bokasyonal ay kung saan ginagawa ang isang bokasyonal na pagsasanay sa paaralan. Dito nagsasanay at natututo ang mga estudyante nang 1 hanggang 3.5 na taon para sa isang trabaho. Ang pagkakaiba nito sa isang dalawahang bokasyonal na pagsasanay: Dito ay hindi nagtatrabaho sa isang kumpanya. Pero minsan ay mayroon ding mga internship.
Paaralang bokasyonal sa hayskul (vocational high school)
Dito makakakuha ng mas mataas na school leaving certificate. Maaari ring mag-aral dito kung natapos na ang bokasyonal na pagsasanay.
Paaralang nag-aalok ng kurso
Ito ang mga paaralang pangwika na nag-aalok ng mga kurso para integrasyon. Maaaring makakuha ng impormasyon mula sa paaralan o sa internet. Makakahanap kayo ng isang lokasyon na malapit sa inyo sa website ng BAMF(Ingles).
Pag-aalaga sa bata
Kung nagtatrabaho kayo at kailangan ninyo ng lugar para sa inyong anak, may iba't ibang serbisyo sa pag-aalaga ng bata: Ang mga batang mula 3 hanggang 6 o 7 taong gulang ay pumupunta sa mga tinatawag na “Kindergarten”. Para sa mga maliliit na bata hanggang 3 taong gulang, mayroong tinatawag na “Krippe”. O kaya naman ay maaaring kumuha ng mamay. Dinadala roon ang bata sa umaga at sinusundo siya sa hapon o gabi. Para sa mga mag-aaral ay may pag-aalaga pagkatapos ng paaralan o mula sa tanghalian.
Pag-aalaga sa tanghalian
Ang pag-aalaga sa tanghalian ay katulad ng isang after-school care center. Maaaring manatili dito ang mga bata pagkatapos ng klase sa paaralan kung nagtatrabaho ang kanilang mga magulang. Sa pag-aalaga sa tanghalian ay nakakatanggap ang mga bata ng tanghalian at tulong sa kanilang takdang aralin. Magkasama din silang naglalaro doon. Minsan may mga pamamasyal. Karaniwang umuuwi ang mga bata sa pagitan ng 2 at 4 ng hapon.
Pagkilala sa kwalipikasyon mula sa ibang bansa
Maaari lang magtrabaho sa ilang mga propesyon (hal. ang pagiging doktor o guro) sa Alemanya kung may sapat na kwalipikasyon. Tinitignan ang mga kwalipikasyon ng mga migrante sa pagkilala nito. Kung ang pag-aaaral o pagsasanay ay katumbas ng isa sa Alemanya, maaari kayong magtrabaho sa propesyong ito. Mahahanap ang iba pang mga impormasyon sa BAMF (www.bamf.de) (Ingles) at sa www.anerkennung-in-deutschland.de(Ingles).
Pagpapayo sa kasal
May problema ba sa pagsasama ninyo? Madalas ba kayong magtalo? Hindi ninyo alam kung ano ang gagawin nang walang tulong? Makakatulong ang pagpapayo sa kasal. Ang isang taong walang kinalaman sa inyo ay nakikipag-usap sa inyo at sa inyong asawa o partner. Ang isa pang salita para sa rito ay "therapy ng mag-asawa" o "pagpapayo sa mga mag-asawa."
Pagsasanay/apprenticeship
Sa isang pagsasanay o apprenticeship natututunan ang kaalaman at kasanayan sa isang tiyak na trabaho o industriya. Maaaring gawin ito sa isang paaralan ng estado, isang unibersidad o isang kumpanya. Sa pagtatapos nito ay kailangang kumuha ng iksamen. Dito makakakuha ng degree o diploma. Ang bokasyonal na pagsasanay ay isang uri ng pagsasanay na kung saan matututo ang isang praktikal na propesyon.
Pagsusulit upang malaman ang antas
Ito ay isang pagsusulit bago magsimula ang kurso para sa wika. Dito malalaman ng paaralan kung gaano kayo kagaling sa wikang Aleman. Ginagawa ito bago ang isang kurso para sa integrasyon upang magsimula kayo sa isang angkop na antas ng wika. Minsan ay kailangan ninyong gawin ito sa pagrehistro para sa kurso para sa integrasyon.
Pagtatapos (kwalipikasyon sa Pangkalahatang Pasukan sa Unibersidad)
Sa tinatawag na Gymnasium ginagawa ang Abitur. Iyon ang pinakamataas na pagtatapos sa Alemanya. Maaari nang mag-aral sa isang unibersidad pagkatapos ng isang Abitur.
pagwakas sa kontrata
Kung gusto ninyong wakasan ang isang kontrata (hal. sa tirahan o sa trabaho), kailangan ninyong magsulat ng abiso ng pagwakas ng kontrata. Kailangan na nakasulat ito.
Paktura o invoice
Kung may binili kayo ngunit hindi ninyo ito agarang binayaran, maaari kayong makatanggap ng invoice, hal. kapag bumibili sa internet. Pagkatapos ay ililipat ang bayad mula sa inyong account patungo sa account ng kumpanya. Sa karamihan ng mga kaso ay hindi ito naniningil ng anumang karagdagang bayad.
Panahon ng pagsubok o probation
Kapag nagsimula na kayo ng bagong trabaho, kadalasan ay mayroong panahon ng pagsubok. Sa panahon ng pagsubok maaaring wakasan ang inyong kontrata nang mas mabilis. Susubaybayan kayo ng employer habang nasa training. Siya ay magpapasya kung magpapatuloy kayo sa pagtatrabaho sa kumpanya pagkatapos ng panahong ito. Magpapasya rin kayo kung gusto ninyong ipagpatuloy ang trabaho dito. Maaaring tumagal ng hanggang 6 na buwan ang panahon ng pagsubok.
Pangangailangan para sa suporta
May mga batang nahihirapang mag-aral. Mas mabagal sila kumpara sa ibang mga bata. O di kaya’y may kapansanan sila. Kailangan nila ng tulong at suporta.
Pangangalaga sa hapon
Ang pangangalaga sa hapon ay isang alok para sa mga oras pagkatapos ng klase ng mga bata. Kapaki-pakinabang ito kung ang mga magulang ay kailangang magtrabaho. Kadalasan ay nakakakuha ang mga bata ng makakain. Ginagawa ng bata ang mga takdang aralin. Kadalasan ay mayroong pang ibang mga alok hal. isport o pagguhit.
Panggastos ng mga mamamayan
Ito ay tulong pinansyal para sa mga taong walang trabaho. Ang mga taong nagtatrabaho ay maaari ring makatanggap nito kung wala silang sapat na pera para mabuhay.
Panggastos para sa mga magulang
Matatanggap ng mga magulang ang perang ito kung mananatili sila sa bahay kasama ang kanilang bagong-panganak na anak.
Pangunahing account
Ang pangunahing account ay isang account sa bangko. Kagaya nito ang tinatawag na “Girokonto”. Ito ay para sa mga taong hindi gaanong marami ang perang hawak. Dapat mabigyan kayo ng bangko ng isang pangunahing account. Ginagamit ito paramakatanggap hal. ng sweldo, pensyon, o benepisyo para sa mga bata. Maaari ring bayaran ang halos lahat ng mga bayarin gamit ang account na ito.
Pangunahing bayarin
Kailangang bayaran ang presyong ito buwan-buwan.
Pangunahing upa
Ito ang upa na walang kaakibat na gastos (tulad ng tubig, kuryente, atbp.)
Parent-teacher meeting
Ito ay isang miting kasama ang isang guro sa paaralan. Dito nakukuha ang impormasyon nang direkta mula sa guro. Makakatanggap kayo ng impormasyon tungkol sa mga grado at kilos o ugali ng inyong anak sa paaralan.
Parental leave o oras ng magulang para magpahinga
Maaring kumuha ang mga magulang na may permanenteng trabaho ng parental leave. Hindi nagtatrabaho ang magulang sa panahong ito. Mananatili siyang kasama ang batang anak. Tumatagal ito hanggang sa 3 taon. Maaari ring kumuha ng parental leave sa loob lamang ng 1 o 2 taon o kahit pa ilang buwan lamang. Maaaring kumuha ng bahagi ng parental leave hanggang sa ika-8 na kaarawan ng anak. Pwede ito para sa parehong magulang. Sa unang ilang buwan ay may natatanggap ang mga magulang na pera. Pagkatapos ng 3 taon o bago pa ito matapos ay pwede nang bumalik sa kumpanya.
Parking garage
Maraming mga lungsod ang may garahe dahil walang sapat na espasyo para iparada ang sasakyan sa kalye. Maaaring iparada ang sasakyan sa mararaming palapag. Kailangan magbayad dito. Karaniwang dinadala ang sasakyan sa garahe at magbabayad sa pag-alis. Kung ang sasakyan ay nasa garahe lamang sa maikling panahon, maliit ang babayaran. Kung ang sasakyan ay nasa parking garage sa mahabang panahon, magbabayad ng higit pa.
Partido
Ang partidong pampulitika ay isang grupo ng mga tao na may magkakatulad na hangarin at layunin. Nais ng isang partido na gumawa o makaimpluwensya ng mga desisyon para sa isang estado.
Pasaporte
Kinukumpirma ng dokumentong ito ang pagkakakilanlan ng isang tao. Naglalaman ang pasaporte ng personal na datos (hal. pangalan, petsa ng kapanganakan, atbp.) at nasyonalidad. Kailangan ang pasaporte sa sariling bansa hal. kung pupunta sa isang opisina ng gobyerno. Kailangan din ang pasaporte para makapasok sa ibang bansa. Madalas na naglalaman ang pasaporte ng iba pang impormasyon hal. tungkol sa isang bisa o isang limited residency permit.
Patakaran sa tirahan
Inaayos nito ang magkakasamang paninirahan ng mga residente sa isang bahay o gusali. Halimbawa ng isang patakaran: Minsan sa isang linggo kailangang maglinis ng hagdan ang isang residente. Isa pang patakaran: Ang mga bata ay pinapayagan na maglaro sa damuhan sa harap ng bahay, ngunit hindi sila maaaring maglaro sa garahe. Hindi naman palaging pareho ang mga patakarang ito sa iba’t ibang mga bahay o gusali. Karaniwang makikita ang mga patakaran sa kontrata sa pag-upa.
Patunay ng kita
Ito ay isang dokumento na kung saan ipinapakita ang inyong buwanang kita. Kadalasang kinakailangan ng patunay ng kita sa loob ng nakaraang tatlong buwan sa paghahanap ng matitirhan.
Ang patunay ng mga mapagkukuhunan ng pananalapi
Ipinapakita ng patunay na ito na mayroon kayong sapat na pera upang matustusan ang pamumuhay sa Alemanya sa panahon ng inyong pag-aaral.
Pautang o credit
Kung gusto ninyong bumili ng isang bagay at wala kayong sapat na pera, maaari kayong kumuha ng pautang mula sa isang bangko. Bibigyan kayo ng bangko ng isang kabuuan ng pera para sa isang tiyak na tagal ng panahon. Pagkatapos ay kailangang bayaran ang pera na may interes.
Pederal na estado ng Alemanya
May 16 na estadong bumubuo sa Pederal na Republika ng Alemanya. Ang isang estado ay kadalasang isang napakalaking lugar kagaya ng Bayern, Hessen o Nordrhein-Westfalen. May mga estado rin na syudad lamang kagaya ng Berlin at Hamburg. Ang bawat estado ay may sariling pamahalaan (“Landesregierung”) na may parlamento (“Landtag”). Maaaring magdesisyon mag-isa ang pamahalaan ng estado gaya sa mga bagay ukol sa pag-aaral at kultura. Gayunpaman, ang mga pinakamahalagang desisyon ay ginagawa ng pederal na pamahalaan, ang pamahalaan ng buong Alemanya.
Pederal na halalan
Sa bawat apat na taon ay may halalan para sa bagong parlamento. Ihinahalal ng mga mamamayan ang mga representante sa parlamento. Sila ang mga pulitiko.
Permisong magtrabaho
Tinatawag din itong “Arbeitsgenehmigung”. Kung gusto ninyong magtrabaho sa Alemanya at hindi kayo galing sa European Union (EU), kailangan ninyo ng permisong magtrabaho (ang tinatawag na “Arbeitserlaubnis”). Makakahanap pa ng higit pang impormasyon sa Federal Employment Agency (Ingles).
PhD
Mayroong tinatawag na “German doctorate”. At mayroong PhD. Pareho silang mga pinakamataas na degree sa unibersidad. Ang PhD ay higit na internasyonal at pangunahing nagmumula sa mga bansang nagsasalita ng Ingles. Ngunit parami nang parami ang mga unibersidad sa Alemanya na kung saan ay maaari kayong kumuhang PhD.
Pinakamababang sahod
Mayroong pinakamababang sahod sa Alemanya. Hindi pinapayagan ang mga employer na magpasweldo nang mas mababa sa 12.41 euros kada oras (mula noong 2024).
Pisikal na pera
Ang mga perang papel at mga barya ay pisikal na pera. Maaari kayong magbayad gamit ito sa lahat ng dako.
Posisyon para sa pagsasanay
Ito ay isang posisyon sa trabaho para sa mga nagsasanay para sa isang propesyon. Para rito ay kailangang mag-aplay sa isang kumpanya.
Programa para sa dalawahang kurso
Ang dalawahang kurso ng pag-aaral ay binubuo ng isang degree sa unibersidad at praktikal na trabaho sa isang kumpanya. Natututo ang mga mag-aaral ng kaalamang teoretikal sa isang unibersidad. Nakakakuha naman sila ng praktikal na karanasan sa kumpanya.
Proteksyon para sa mga ina
Ito ay mga patakaran para protektahan ang mga buntis na kababaihan at mga ina na may permanenteng trabaho. Ang pinakamahalagang tuntunin ay: Ang isang babae ay hindi pinapayagang magtrabaho bago at pagkatapos ng kapanganakan ng kanyang anak. Sa Alemanya ay hindi pinagtatrabaho ang mga ina 6 na linggo bago ang kapanganakan at hindi bababa sa 8 linggo pagkatapos ng kapanganakan. Sa panahong ito ay patuloy na nakakatanggap ang babae ng kanyang suweldo o sahod. Mula sa simula ng pagbubuntis hanggang 4 na buwan pagkatapos ng kapanganakan ay hindi pinapayagan ang employer na tanggalin siya sa trabaho. Hindi pinapayagang magtrabaho ang isang babae sa kanyang buong pagbubuntis sa ilang mga propesyon.
R
Rehistro ng sasakyan (“Fahrzeugschein”)
Isa pang salita sa Aleman ay “Zulassungsbescheinigung”. Ito ay isang dokumento na kung saan makikita ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang sasakyan. Halimbawa nito ay ang tatak (hal. Fiat, Volkswagen), ang plaka, at taong nagmamaneho ng sasakyan (o sa Aleman ay “Fahrzeughalter”).
Reseta
Maaaring bumili ng maraming gamot sa botika nang walang reseta. Para sa ilang mga gamot ay kailangan ninyo ng dokumento mula sa isang doktor. Ito ang reseta. Nakasaad dito kung anong gamot ang kailangan ninyo. Sinasabi rin nito kung gaano kadalas at kung gaano katagal kailangan ang gamot na ito.
Residency status
Ang residency status ang nagpapakita ng mga detalye hal. kung gaano katagal kayong maaaring manatili sa Alemanya at kung maaari kayong magtrabaho sa Alemanya. Kung mayroon kayo nito, legal kayong makakapanatili si Alemanya.
S
Sahod
Ito ang perang natatanggap bawat buwan sa isang permanenteng trabaho. Makakatanggap din ng sahod kung kayo ay may sakit o nakabakasyon. “Brutto” ang tawa sa buong sahod. Kailangan din ninyong magbayad ng buwis at seguro mula sa inyong sahod. “Netto” na ang tawag sa natitira.
Sangay ng bangko
Ito ay mga tanggapan ng malalaking bangko at mga bangko para sa ipon (“savings bank”) sa iba't ibang lokasyon. Halos lahat ng mga malalaking bangko ay may isang sentral na opisina at mararaming mga sangay.
Seguro para sa nawalan ng trabaho
Kung may empleyadong nawalan ng trabaho, binabayaran ng segurong na ito ang isang parte ng inyong sweldo. Ang lagat ng empleyado ay awtomatikong makakakuha ng seguro para sa kawalan ng trabaho. Hinahati ninyo at ng tagapagbigay-trabaho ang bayad para sa seguro. Kung self-employed kayo, maaari kayong kusang magbayad sa seguro para sa kawalan ng trabaho.
Seguro sa pangangalaga
Napakamahal ng pangangalaga. Ang seguro sa pangmatagalang pangangalaga ang nagbabayad kung kailangan ninyo ito. Kadalasan ang mga matatanda na ang mga taong gumagamit nito. O kung kailangan ninyo ng pangangalaga pagkatapos ng isang malubhang aksidente.
Seguro sa pensyon
Sa Alemanya ay karaniwang nagtatrabaho ang mga tao hanggang sila ay 67 taong gulang. Pagkatapos nito ay nagreretiro sila. Nagbabayad ang mga tao ng bahagi ng kanilang sahod bawat buwan para sa seguro sa pensyon hangga’t magretiro sila. Sa pagretiro ay makakatanggap bawat buwan ng bahagi ng inyong dating sahod mula sa seguro para sa pensyon.
Awtomatikong may seguro sa pensyon ang mga empleyado. Ibinabahagi din ng employer at empleyado ang mga gastusin para rito. Kung hindi kayo empleyado ay maaari kayong kumuha ng pribadong seguro sa pensyon. Maraming tao ang may seguro sa pensyon mula sa estado at pribadong seguro sa pensyon.
Awtomatikong may seguro sa pensyon ang mga empleyado. Ibinabahagi din ng employer at empleyado ang mga gastusin para rito. Kung hindi kayo empleyado ay maaari kayong kumuha ng pribadong seguro sa pensyon. Maraming tao ang may seguro sa pensyon mula sa estado at pribadong seguro sa pensyon.
Segurong pangkalusugan
Kailangan ang seguro na ito sa Alemanya. Ang segurong pankalusugan ang karaniwang nagbabayad ng mga gastos para sa doktor, ospital at ilang mga gamot. Kailangang magbayad ng maliit na halaga para sa mga gamot. Kung maliit lang ang kinikita, pwede rin masama sa seguro ng asawa. Awtomatikong insured ang mga batang anak sa kanilang mga magulang.
Sentro ng Impormasyon sa Karera (BIZ)
Mapapayuhan kayo ng mga tauhan dito sa inyong mga tanong ukol sa trabaho. Makakahanap kayo ng BIZ sa (Federal Employment Agency) (Ingles).
Sentro para sa mga konsultasyon
Kung kayo ay may mga katanungan o problema, maaari kayong dumalo rito upang humingi ng tulong. Dito ay may tauhang makakapagbigay ng mga impormasyon na angkop sa inyong problema o katanungan.
Serbisyo sa kagipitan o mga emergency
Sila ay mga doktor, pharmacist na nagtatrabaho tuwing Sabado, Linggo at gabi. Kung kailangan ninyo ng mabilisang tulong, nandiyan sila para sa inyo.
Sertipikasyon, pagpapasertipika
Ito ay isang opisyal na tanggapang notaryo na kung saan sinusuri ang dokumento at masasabi na tunay ang mga ito. Ginagawa ito gamit ang pirma at tatak.
Sertipiko ng kapanganakan
Sa dokumentong ito nakalagay ang impormasyon tungkol sa kapanganakan ng isang bata: ang pangalan ng bata, ang kanyang kasarian (lalaki o babae), araw at lungsod ng kapanganakan, ang mga pangalan ng mga magulang. Ang opisina ng rehistro ang nagbibigay ng sertipiko ng kapanganakan.
Sertipiko ng kasal
Kung kayo ay ikinasal, makakatanggap kayo ng isang dokumento mula sa opisina ng rehistro. Ang dokumentong ito ay ang sertipiko ng kasal. Dalawa ang salita nito sa Aleman: Ang isa pang salita para sa “Heiratsurkunde” ay “Eheurkunde”.
Sertipiko ng kasal
Kung kayo ay ikinasal, makakatanggap kayo ng isang dokumento mula sa opisina ng rehistro. Ang dokumentong ito ay ang sertipiko ng kasal. Dalawa ang salita nito sa Aleman: Ang isa pang salita para sa “Eheurkunde” ay “Heiratsurkunde”.
Sertipiko ng kawalan ng hadlang upang magpakasal
Kung gusto ninyong magpakasal, kailangan ninyo ang dokumentong ito kung wala kayong pagkamamamayan sa Alemanya o hindi kayo taga-Alemanya. Nagpapatunay ito na walang hadlang sa inyong pagkasal. Ang isang balakid ay hal. kung may asawa na kayo. Ito ang magsasabi sa inyo kung kayo ay maaari nang magpakasal.
Sertipiko ng pagpaparehistro
Ito ay isang dokumento na nagsasaad ng inyong adres. Maaaring makuha ang sertipiko ng pagpaparehistro sa tanggapan ng pagpaparehistro ng mga residente o sa munisipyo ng inyong lungsod. Kailangan lang ang inyong pasaporte. Karaniwang naghahalaga ng 5 hanggang 10 euro ang isang sertipiko ng pagrerehistro.
Sertipiko ng pagsasanay
Pagkatapos ng isang dalawahan o dual na pagsasasanay para sa isang propesyon ay matatanggap ang sertipiko ng pagsasanay. Kailangan ito upang maging empleyado.
Sertipiko ng sekondaryang paaralan o school leaving certificate sa Hauptschule
Sa dulo ng isang “Hauptschule” makukuha ang “Hauptschulabschluss” o school leaving certificate para sa sekundaryang paaralan. Iyon ay sa ika-9 na baitang. Sa ilang mga pederal na estado ay mayroon ding tinatawag na Kwalipikadong Sertipiko ng Sekundarya ng Paaralan (“Qualifizierender Hauptschulabschluss” o “Quali”). Ito ay isang pagsusulit sa pagtatapos ng ika-9 na baitang. Hindi kailangang gawin ang kwalipikasyong ito, ngunit ginagawa nitong mas madali ang paghahanap ng pagsasanay sa isang kumpanya.
Sertipikong medikal
Kung kayo ay may sakit at hindi kayo makapagtrabaho, madalas na kailangan ninyo ng isang sertipikong medikal para sa inyong employer. Ito ay isang dokumento mula sa doktor. Nakalagay dito na kayo ay may sakit at hindi makapagtrabaho dahil dito. Kailangan din ito ng mga bata para sa paaralan. Kadalasan ay kailangan ninyo ang dokumento na ito matapos ang tatlong araw. Minsan ay gusto rin ito makita ng inyong kumpanya nang mas maaga. Kailangan din ito sa mga iksamen sa paaralan o sa pag-aaral. Mula 2023 ay kadalasang digital na ito.
Sick leave
Kung may sakit kayo at hindi kayang magtrabaho, kailangan ninyong sabihin sa employer. Ito ang tinatawag na sick leave. Kung may sakit kayo na tumagal sa higit sa 3 araw, kailangan ang isang tala o sertipiko mula sa inyong doktor na kayo ay may sakit at hindi maaaring magtrabaho. Minsan ay kailangan ito ng employer nang mas maaga.
Standing order
Ang standing order ay isang espesyal na paaran upang magbayad. Madalas bayaran ang upa sa pamamagitan ng standing order: Itinatakda ang petsa ng pagbayad (hal. sa unang araw ng isang buwan) at ilalagay ang account number ng may-ari o nagpaparenta. Pagkatapos ay awtomatikong ililipat ng bangko sa account ng may-ari ang bayad sa upa sa parehong araw bawat buwan.
Stay permit/permisong manatili
Dito nakalagay, halimbawa, kung gaano katagal kayong maaaring manatili sa Alemanya at kung maaari kayong magtrabaho sa Alemanya. Legal kayong makakapanatili sa Alemanya gamit ito. Matatanggap ninyo ito hal. sa isang bisa, isang limited residency permit o ang EU blue card.
Sweldo
Ito ang perang natatanggap ninyo bilang isang empleyado. Natatanggap din ang sweldo kapag may sakit kayo o nagbabakasyon. Ang tawag sa buong sweldo ay “brutto” sa Aleman o “gross” sa Ingles. Mula sa buong sweldo ay kailangang magbayad ng buwis at seguro. Ang natitira ay ang “netto” sa Aleman o “net” sa Ingles.
T
Tagapagturo
Ito ay isang trabaho at para magawa ito, kailangan tapusin ang pagsasanay sa isang teknikal na paaralan o bokasyonal na paaralan. Sa pagsasanay ay mayroong mga paksa tulad ng sikolohiya, pedagohiya, kalusugan, isport atbp. Ang mga tagapagturo ay nagtatrabaho hal. sa isang kindergarten, sa isang tahanan ng mga bata (isang lugar para sa mga batang walang magulang) o sa opisina para sa kabutihan ng kabataan. Inaalagaan nila ang mga bata.
Takdang-panahon ng pagwakas sa kontrata sa trabaho
Kung ayaw na ninyong ituloy ang pagtrabaho sa isang kumpanya, kailangan ninyong magsulat ng abiso ng pagwakas ng kontrata. Kadalasan ay dapat ninyong gawin ito 3 buwan bago ang huling araw. Kung gusto rin kayong tanggalin ng employer, kailangan din niya itong gawin 3 buwan bago ang inyong huling araw. Gayunpaman ay mayroon din pagtanggal o pag-alis nang walang abiso. Kailangang umalis agad ang empleyado, hal. kung ayaw nang gawin ang trabaho.
Takdang-panahon para sa aplikasyon
Kung gusto ninyong mag-aplay para sa isang trabaho, pagsasanay, o pag-aaral, kadalasang kailangan mag-aplay hanggang sa isang tiyak na araw lamang. Ito ang takdang-panahon. Mahahanap ninyo ang takdang-panahon sa mga detalye ukol sa pwesto o sa website ng paaralan o unibersidad.
Tala o sertipiko na may sakit
Kung may sakit kayo at hindi kayang magtrabaho, kailangan ninyong agarang sabihan ang employer. Kadalasang kailangan ang tala o sertipiko na kayo ay may sakit. Makukuha ito mula sa isang doktor. Direkta niya itong ipapadala sa inyong seguro. Maaaring makita ng inyong employer ang tala ng sakit sa internet. Maaari ring makakuha ng isang tala o sertipiko sa pamamagitan ng telepono. Kailangan din minsan ng mga bata ang talang ito para sa paaralan.
Talaan ng pamilya
Kapag ikinasal kayo, makakatanggap kayo ng tala ng inyong pamilya. Ang talaan ng pamilya ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa inyong pamilya: Sino ang inyong mga magulang? Saan kayo nanggaling? Ano ang inyong pangalan sa pagkapanganak? Sino ang mga magulang ng asawa ninyo? Saan galing ang asawa ninyo? May mga anak na ba kayo?
Talaan ng presyo ng upa
Sa talatuntunang ito makikita ang karaniwang presyo sa pag-upa para sa mga tirahan sa isang lungsod.
Tanggapan ng Imigrasyon
Ito ang pupuntahan kung bagong-dating lang kayo sa Alemanya at kung malapit nang magwakas ang inyong bisa at kailangan ninyo itong palawigin. Maaari kayong magtanong sa munisipyo ng inyong syudad upang malaman kung saan ang tanggapan ng imigrasyon.
Tanggapan ng Pagpaparehistro ng Residente
Kung pupunta kayo sa ibang lungsod, kailangan ninyong magrehistro sa tanggapang ito: ang “Einwohnermeldeamt”. Kailangan ang inyong pasaporte na may bisa pa at isa pang dokumentong patunay ng inyong pagkakakilanlan.
Tanggapan para sa Ibang Bansa
Dito sa tanggapang ito malalaman kung kailangan ninyo ng bisa sa Alemanya. Mahahanap ang higit pang impormasyon sa www.auswaertiges-amt.de (Federal Foreign Office) (Ingles) sa bahaging “Visa & Service”.
Tanggapan para sa kalakalan
Gusto ba ninyong magtayo ng sariling kumpanya? O ng isang tindahan, kainan, o kapihan? Kailangan ninyo ng lisensya sa kalakalan (“Gewerbeschein”). Maaari itong makuha mula sa tanggapan ng kalakalan.
Taon sa pagsasanay
Ang isang tinatawag na “Ausbildungsjahr” ay isang taon ng isang pagsasanay. Halimbawa, ang isang dual na bokasyonal na pagsasanay ay tumatagal ng 2 hanggang 3.5 na taon. Kadalasan nagsisimula ang taon ng pagsasanay sa ika-1 ng Agosto o ika-1 ng Setyembre ng bawat taon.
Teknikal na kolehiyo
Ito ay gaya ng isang unibersidad, ngunit mas praktikal ang oryentasyon dito. May mga kolehiyo para sa engineering, agham, sosyal na pedagohiya at sa mga propesyong sa sining. Kailangan ang mga pagtatapos na tinatawag na “Abitur” o “Fachabitur”.
Term paper
Ang term paper ay isang pagsusuri kung saan ay nagsusulat mga mag-aaral tungkol sa isang paksa. Karaniwang may 10 hanggang 20 na pahina ang isang term paper. Madalas na may nakukuhang marka dito.
U
Unang araw sa paaralan (“Einschulung”)
Sa tinatawag na “Einschulung”, ang unang araw sa paaralan, nagsisimula ang obligatoryong pag-aaral. Ito ang unang pagpunta ng isang bata sa paaralan. Madalas mas maikli ang unang araw sa paaralan. May mga kasiyahan din sa araw na ito. Isang mahalagang tradisyon ay ang tinatawag na “Einschulungstüte” o “Schultüte”. Pinupuno ito ng mga magulang ng mga matatamis na pagkain at maliliit na mga bagay para sa paaralan.
Unibersidad
Ang mga institusyon ng mataas na edukasyon ay ang mga unibersidad at unibersidad ng mga agham. Gamit ang “Abitur” o isa pang kwalipikasyon sa pagpasok sa unibersidad ay maaaring mag-aral sa isang unibersidad.
Unsolicited application
Kung alam niyo na kung saan kayo magtatrabaho pero walang paanunsyo ang kumpanya na may pwesto, maaari pa rin kayong magpadala ng aplikasyon sa kumpanya. Ito ay tinatawag na unsolicited application. Nagsusulat rin ang mararaming kumpanya sa kanilang website sa bahaging “Karriere” (Career) o “Stellenangebote” (Job Offers) na tumatanggap sila ng mga unsolicited application.
Unyon ng mga manggagawa
Ito ay mga organisasyon para sa mga interes ng mga manggagawa.
W
Warranty
Ito ang karapatang ibalik ang mga depektibong gamit sa nagbenta (hal. sa isang department store). Pagkatapos ay makakakuha kayo ng isang bagong produkto o maibabalik ang inyong perang ipinambayad para rito. Maaari ring makipag-usap sa nagbebenta at magbayad ng mas kaunti. Mainam kung may resibo pa rin kayo, ngunit minsan ay hindi na ito kailangan.
Ang wikang kinagisnan
Ito ang unang wika na naiintindihan at sinasalita ng isang bata kahit hindi pa nag-aaral. Natutunan ang wikang ito dahil kinakausap siya ng kanyang mga magulang at iba pang matatanda sa wikang ito. Wikang Aleman ang kinagisnan ng sinuman na ipinanganak sa Alemanya at nakatira doon. Ang sinumang nagmula sa ibang bansa ay may kinagisnang wika sa bansang iyon. Ang isang mas modernong termino para rito ay "unang wika" (“Erstsprache”) o "wika ng pinagmulan" (“Herkunftssprache”).
Account para sa pang-araw-araw
Ang account na ito ay hindi talaga para sa pang-araw-araw na paggamit tulad ng isang checking account o pangunahing account. Kung mayroon natitirang pera, maaari itong ilagay rito. Nagbabayad ang mga bangko nang mas mataas na interes kaysa sa isang checking o savings account. Maaari ring mabilis i-withdraw ang pera mula sa account.
Admission letter
Ang isang admission letter ay isang dokumento. Ito ang makukuha mula sa isang unibersidad kung papayagan kayong mag-aral doon.
Advance
Ito ay ang pagbayad nang mas maaga sa nakatakdang panahon o deadline.
Bakasyon
Mayroong tiyak na bilang ng mga araw ng bakasyon sa bawat taon. Patuloy na matatanggap ang inyong suweldo o sahod habang nagbabakasyon. Dapat munang makipag-usap sa inyong superbisor kung kailan maaaring magbakasyon. Karaniwang nagtatrabaho ng 5 araw sa isang linggo sa Alemanya. Kung gusto ninyong magbakasyon ng isang linggo (mula Lunes hanggang Linggo), 5 araw ang bakasyon ninyo.
Bayarin sa semestre
Karaniwang libre ang pag-aaral sa mga unibersidad ng estado. Pero karaniwang kailangan ding magbayad ang mga mag-aaral sa bawat semestre. Ito ay mga gastos para sa administrasyon, unyon ng mag-aaral at tiket sa semestre. Sa mga pribadong unibersidad ay kailangang magbayad nang malaking halaga.
Bilingual na paaralan
Ang mga aralin ay ginagawa sa dalawang wika, kadalasang sa wikang Aleman at isa pang ibang wika.
Club o asosasyon
Ang club ay isang grupo ng mga tao. May gusto silang gawin nang magkasama. Pareho rin sila ng mga interes at layunin. Halimbawa, gusto nilang maglaro ng sports, kumanta, o tumulong sa ibang tao. Maraming mga tipo ng club. Sa isang football club ay sama-sama kayong naglalaro ng football, sa isang music club ay magkasama kayong tumutugtog ng musika.
Degree
Mayroong degree kapag natapos ang pag-aaral (bachelor's, master's, o pagsusulit ng estado) at pumasa sa lahat ng pagsusulit. Kadalasan nagtatapos ito sa pagsusulat ng tesis.
Dokumento ng karapatang lumahok sa kursong pang-integrasyon
Ito ay isang dokumento para sa pagpaparehistro para sa isang kursong pang-integrasyon. Karaniwang makukuha ito mula sa tanggapan ng imigrasyon sa inyong lungsod.
Ang espesyal na alok
Nagbebenta ang mga tindahan ng mga produkto sa napakamurang presyo sa loob ng maikling panahon. Ang mga produktong ito ay tinatawag na mga “Sonderangebot” o espesyal na alok. Kadalasang mabilis mahanap ang mga ito sa tindahan: madalas silang nasa may pasukan.
Handover protocol
Kung nagrenta kayo ng apartamento at gusto ninyong lumipat, ngunit may sira sa apartamento, dapat isulat ito sa handover protocol sa nagpaparenta. Pareho kayong dapat pumirma sa handover protocol.
Ibinabahaging apartamento
Sa mga ibinabahaging apartamento ay nakatira kayo kasama ang ibang tao. Karaniwan kayong nagsasalo sa banyo at kusina. May sariling silid ang bawat isa.
Iksamen ng estado
May mga kursong kinukumpleto sa pagsusulit ng estado. Kabilang dito ang medisina, abogasya, parmasya at ilang kurso sa pagtuturo, depende sa pederal na estado.
Interes
Kung may pera kayo sa inyong bangko, makakuha kayo ng pera mula sa bangko bawat buwan para rito. Ang tawag dito ay interes. Mayroon ba kayong utang mula sa inyong bangko? Kailangan ninyong magbayad ng pera sa bangko bawat buwan. Interes din iyan.
Kabuuang upa o “Warmmiete” (WM)
Ito ang presyo ng renta na kasama na ang mga karagdagang gastusin sa tubig, kuryente, atbp.
Kahilingan para sa apartamento
Ito ay isang paanunsyo. Sinasabi nito na naghahanap kayo ng apartamento. Nakasaad din dito ang mga mahalagang impormasyon, tulad ng laki ng apartment at ang presyo ng upa. Maaaring makipag-ugnayan sa inyo ang mga nagpaparenta kung mayroon silang angkop na apartamento para sa inyo. Maaari kayong maglagay ng kahilingan sa sa isang pahayagan o sa mga pampublikong abiso, hal. sa mga tindahan.
Lektura
Ito ay isang uri ng pagtuturo sa isang unibersidad. Kadalasan ay nasa isang malaking kwarto ang mararaming mga estudyante. May sasabihin ang guro tungkol sa isang paksa. Nakikinig at nagsusulat lamang ang mga estudyante.
Lingguhang pamilihan
Sa mararaming lungsod ay mayroong lingguhang pamilihan minsan o dalawang beses sa isang linggo. Ito ay nasa isang plaza o bulwagan. Karamihan sa mga nagbebenta ay nagmula sa rehiyon. Sa lingguhang palengke ay maaari kayong makahanap ng mga sariwang prutas at gulay, pati na rin ang gatas at keso, isda at karne. Minsan makakabili rin ng damit doon.
Matrikula
Binabayaran ang matrikula para makapag-aral sa isang unibersidad o isang teknikal na kolehiyo. Sa ilang mga pederal na estado ay may mga matrikula, ngunit iba-iba ang mga ito.
Nagpapaupa o nagpaparenta
Siya ay nagpapaupa o nagpaparenta ng mga apartamento o bahay sa mga tao na naghahanap ng tirahan.
Obligatoryong pag-aaral
Kailangang pumasok sa paaralan ang mga batang may edad na 6 o 7 sa Alemanya. Mayroong iba't ibang mga tuntunin sa mga pederal na estado kung kailan magsisimula ang obligatoryong pag-aaral.
Oras ng aralin
Ang isang oras ng aralin sa isang kurso para sa integrasyon o kursong pangwika para sa trabaho ay tumatagal ng 45 na minuto.
Paaralan para sa nasa hustong gulang
Maaaring kumuha ng mga kurso sa paaralang ito ang mga matatanda at kabataan na may edad 16 pataas. Ang mga kursong ito ay hindi gaanong mahal. Maaari matuto ng mga wika (kabilang ang Aleman), kumuha ng mga larawan, gumawa ng alahas, sumayaw, magpintura atbp. Mayroon ding mga kurso para sa mga trabaho, tulad ng pagtatrabaho sa isang computer. Maaari ding kumpletuhin ng mga nasa mas nakakatanda ang isang sertipiko ng pag-alis ng paaralan, hal. isang sertipiko ng pag-alis ng sekondaryang paaralan. Karaniwang may mga kurso sa isang gabi ng isang linggo o sa Sabado o Linggo.
Pag-aaral ng isang kurso
Para sa ilang trabaho, hal. inhinyero o guro, kailangan ng degree. Maaaring mag-aral sa isang unibersidad o sa isang teknikal na kolehiyo.
Paglilipat ng pera sa mga bangko
Nagpapadala ng pera ang bangko mula sa isang account patungo sa isa pang account. Isang halimbawa ay kapag umuupa kayo ng apartamento: Direktang mapupunta ang bayad mula sa inyong account papunta sa account ng nagpaparenta. Sasabihin sa bangko at ipinapadala ng bangko ang bayad sa account ng nagpapaupa. Kadalasan ay ginagawa ito ng mga tao sa internet gamit ang kanilang computer o cellphone.
Pagpapayo sa pagbubuntis
Ito ay isang sentro ng pagpapayo para sa lahat ng mga katanungan tungkol sa pagbubuntis. Mayroong ganitong sentro sa maraming lugar. Madalas ay doktor ng ob-gyn ang magsasabi kung saan ang mga sentro ng pagpapayo o maaari rin nila kayong payuhan.
Pagsusulit sa kalagitnaan
Kailangang kumuha ang mga nagsasanay ng pagsusulit sa kalagitnaan ng kanilang panahon ng pagsasanay. Ang tawag dito sa Aleman ay “Zwischenprüfung”.
Palitan o pagpalit ng gamit
Kung bumili kayo ng isang bagay at gusto ninyo itong ibalik, maaari itong palitan sa maraming mga tindahan. Maaaring ibalik ito sa nagbenta at maibabalik sa inyo ang inyong pera. Minsan nga lang ay hindi na ibabalik ang pera, ngunit may ibang gamit kayong pwedeng kunin kapalit ng ibinalik ninyo. Madalas na hindi maaaring palitan ang mga bagay na nabili sa mga espesyal na mga alok o “Sonderangebot”.
Pampublikong paaralan
Karamihan sa mga paaralan sa Alemanya ay nabibilang sa estado. Walang babayaran para sa mga aralin. Libre ang mga ito.
Panahon ng walang lektura o seminar sa semestre
Walang lektura o seminar sa panahong ito sa mga unibersidad sa Alemanya. Madalas ginagawa ang mga mag-aaral ang mga pagsusulit o takdang aralin sa panahong ito.
Panayam bago magtrabaho
Kung nag-aplay kayo para sa isang posisyon sa isang kumpanya at kung nakikita ng employer na maganda ang inyong aplikasyon, gusto niyang makilala kayo at malaman ang higit pa tungkol sa inyo.
Aanyayahan niya kayo sa isang panayam. Maaari kayong makakuha ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa ganitong panayam sa ahensya ng trabaho o job center.
Aanyayahan niya kayo sa isang panayam. Maaari kayong makakuha ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa ganitong panayam sa ahensya ng trabaho o job center.
Panlipunang pabahay
Ito ay pabahay para sa mga taong may kakaunting pera. Sinusuportahan ng estado ang mga pabahay na ito. Karaniwang mas mura sila.
Sa pamamagitan ng isang sertipiko ng karapatan sa pabahay (ang tinatawag sa Aleman na “Wohnberechtigungsschein” o WBS) ay maaari kayong magrenta ng isang panlipunang pabahay. Maaaring makuha ang WBS mula sa tanggapan ng pabahay ng lungsod o munisipalidad.
Sa pamamagitan ng isang sertipiko ng karapatan sa pabahay (ang tinatawag sa Aleman na “Wohnberechtigungsschein” o WBS) ay maaari kayong magrenta ng isang panlipunang pabahay. Maaaring makuha ang WBS mula sa tanggapan ng pabahay ng lungsod o munisipalidad.
Panlipunang seguro
Ang mga ito ay seguro na pangkalusugan, seguro sa pensyon, seguro para sa mga aksidente, seguro sa pangangalaga at seguro sa kawalan ng trabaho. Lahat ng mga ito ay galing sa estado.
Pansamantalang renta o upa
Nangangahulugan ito na umuupa lamang kayo ng apartamento sa loob ng limitadong panahon. Magagawa ito kung hindi kayo makahanap kaagad ng apartamento o ayaw ninyong manatili nang matagal sa lungsod.
Playgroup
Doon nagkikita ang mga bata para maglaro. Kadalasan nandoon din ang mga nanay o tatay. Minsan may ibang nakatatanda ang namumuno sa grupo at nakikipaglaro sa mga bata.
Preparatory college
Kung ang inyong sertipiko sa paaralan ay hindi sapat para sa pag-aaral sa Germany, kailangan ninyong pumunta sa isang preparatory college. Dito ay kailangang kumuha ng entrance exam. Kailangan ng mahusay na kaalaman sa wikang Aleman sa antas na B1. Sa pagtatapos ng kursong paghahanda sa preparatory college ay kailangang kumuha ng pagsusulit. Pagkatapos ay maaari kayong mag-aral. Ang paghahanda sa kolehiyo ay karaniwang tumatagal ng dalawang semestre, kung minsan ito ay mas maikli. Ang mga aralin ay libre. Pero may bayarin pa rin para sa semestre.
Savings account
Ito ay isang bank account para sa mahabang panahon. Hindi maaaring maglipat ng pera mula sa account na ito (tulad ng pambayad sa upa mula sa kasalukuyang account). Sa isang savings account ay makakakuha ng mas malaking interes para sa inyong pera kaysa sa isang kasalukuyang account o pangunahing account. Ang pera ay karaniwang nananatili sa account nang mas matagal kaysa sa isang kasalukuyang account o pangunahing account.
Savings bank
Ito ay parang karaniwang bangko rin, ngunit hindi ito pribado. Bahagi ito ng isang lungsod o munisipalidad.
Seguro o paseguruhan
Nagbabayad kayo para sa seguro bawat buwan o bawat taon para sa isang partikular na sitwasyon. Nangangahulugan ito na nakaseguro kayo para sa sitwasyong ito. Ang isang halimbawa ay kung kayo ay nagkasakit: Nagbabayad kayo sa segurong pangkalusugan bawat buwan. Nagkasakit kayo at kailangan ninyong pumunta sa doktor. Sa sitwasyong ito ay magbabayad ang seguro para sa kalusugan sa doktor at hindi kayo.
Seguro para sa aksidente
Magbabayad ang seguro para sa aksidente kung kayo ay naaksidente. Mayroong seguro na galing sa estado para sa mga aksidente sa trabaho. Mayroon ding mga pribadong seguro para sa mga aksidente sa oras ng paglilibang.
Self-employed
Kung may sarili kayong kumpanya at doon din kayo nagtatrabaho, wala kayong employer. Self-employed kayo. Kayo ang inyong sariling boss.
Semestre
Ang isang semestre ay isang kalahating taon sa isang unibersidad sa Alemanya. Mayroong 2 semestre: ang semestre sa taglamig at ang semestre sa tag-init.
Seminar
Ito ay isang uri ng pagtuturo sa isang unibersidad. Karaniwang kakaunti ang mga estudyante sa isang seminar. Madalas na higit na nakatuon sa pagsasanay ang mga ito kaysa sa isang lektura, kung saan kadalasan ay ang guro lamang ang nagsasalita.
Sentro ng Payo para sa Mamimili
Ito ay mga punto ng impormasyon para sa mga bumili ng isang bagay o serbisyo. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba't ibang produkto ang sentro ng payo para sa mga mamimili. Tumutulong din ito sa mga legal na problema (hal. bumili kayo ng isang bagay na sira at hindi ito kinukuha muli o pinapalitan ng tindahan). Makakatulong dito ang sentro ng payo para sa mga mamimili.
Sertipiko ng karapatan sa pabahay
Sa pamamagitan nito ay maaari kayong makakuha ng mas murang apartamento kung kayo ay may mababang kita. Maaaring makuha ang dokumentong ito mula sa tanggapan ng pabahay ng lungsod o munisipalidad.
Sertipiko o dokumentong patotoo
Ang dokumentong patotoo o sertipiko ay bahagi ng mga dokumento ng aplikasyon kung naghahanap kayo ng trabaho o kurso ng pag-aaral. May mga patotoo sa trabaho: May sinasaad ito tungkol sa inyong huling trabaho. At mayroong mga patotoo sa paaralan at kolehiyo: ito ay mga opisyal na dokumento mula sa inyong paaralan o kolehiyo. Dapat ay mayroon kayong mga patotoo o sertipiko mula sa inyong sariling bansa na isinalin sa wikang Aleman at napatunayan ng awtoridad.
Superbisor o nakatataas
Ang inyong superbisor ay ang inyong direktang boss. May pananagutan sila para sa inyo at sa inyong trabaho sa oras ng pagtrabaho. Sinasabi niya sa inyo kung anong trabaho ang dapat ninyong makuha at kung paano ito dapat gawin. Mayroong ding mas nakakataas sa inyong superbisor.
Suporta sa wika
Sa pamamagitan ng mga espesyal na laro, kwento, at kanta ay natututo ang mga bata na magsalita ng Aleman nang mas mahusay. Ang mga daycare center ay kadalasang nag-aalok ng espesyal na suporta sa wika para sa mga dayuhang bata.
Tagapag-alaga ng bata
Nag-aalaga sila ng mga bata sa bahay. Kadalasang mayroong ilang mga bata na may isang tagapag-alaga. Kailangang kumuhamuna ang mga tagapag-alaga ng espesyal na pagsasanay at kailangan silang bayaran nang tama. Mayroon ding mga lalaking nag-aalaga ng bata.
Tanggapan ng Kapakanang Panlipunan
Ang Tanggapan ng Kapakanang Panlipunan ay isang awtoridad. Kung kailangan ninyo ng tulong pinansyal, titignan ng tanggapang ito kung maaari kayong makatanggap ng mga benepisyong panlipunan.
Tanggapan ng Pagpapatala
Gusto ba ninyong magpakasal? May anak na ba kayo? Gusto niyo bang makipaghiwalay? Kailangan ninyong pumunta sa opisina ng pagpapatala sa inyong lungsod.
Tanggapan ng Seguridad Panlipunan
Ito ay isang awtoridad ng gobyerno. Tinatawag din itong “Office of Social Affairs” (“Amt für soziale Angelegenheiten”). Responsable ito para sa mga taong may kapansanan. Doon makukuha ang ID ng taong may malubhang kapansanan.
Taripa
Ito ang presyo para sa isang partikular na serbisyo.
Tirahan para sa estudyante
Sa isang tirahang ito ay magkasama sa isang gusali ang mararaming estudyante. Minsan nagsasalo sila sa kusina at banyo. Ang isang Studierendenwohnheim ay karaniwang mas mura kaysa sa ibang mga apartment. Madalas malapit ito sa unibersidad.
Uri ng pambayad
May mga iba’t-ibang uri ng pambayad, hal. ang pisikal na pera, direktang debit, EC-card, credit card, at invoice.
“
“giro card” o “Girokarte”
Gamit ang giro card (dating tinatawag na EC card) ay maaaring mag-withdraw ng pera sa ATM o magbayad para sa mga kalakal nang walang pisikal na pera. I-de-debit ang pera mula sa inyong account sa loob ng ilang araw. Ang giro card ay magagamit lamang sa Alemanya. Ang mga mas maliliit na tindahan sa Alemanya ay madalas na tumatanggap lamang ng giro card. Madalas ay kailangang magbayad sa bawat buwan para sa isang giro card sa bangko.