Bokasyonal na Pagsasanay

Werkbank mit Holz, wo zwei Personen ein Holz vermessen © Goethe-Institut

Sa panahon ng pagsasanay ay natututunan ninyo ang isang propesyon. Mayroong iba't ibang mga kurso sa pagsasanay, hal. bilang isang panadero, electrical engineer, nars, hardinero, o tagapagturo.

Bisa, Pagtatapos, at Sertipiko

Gusto ba ninyong magsanay sa Alemanya? Hindi kayo nagmumula sa European Union (EU) o sa European Economic Area (EEA)? Kailangan ninyo ng bisa. Makukuha ang bisa mula sa embahada ng Alemanya (o konsulado) sa inyong bansa.

Natapos na ba ninyo ang inyong pagsasanay? Maraming kumpanya ang naghahanap ng mga skilled worker o propesyonal. Maaari kayong mag-aplay. Madalas na kailangan ninyo ng sertipiko para sa isang trabaho. Ang sertipiko ay isang opisyal na dokumento na naglalaman ng impormasyon tungkol sa inyong edukasyon o propesyon. Mayroon ba kayong mga sertipiko mula sa inyong sariling bansa? Ipasalin ito sa wikang Aleman at ipasertipika ang mga ito. Kadalasang kailangan ring kilalanin ang mga sertipiko. Pagkatapos ay maaari kayong makakuha ng trabaho nang mas madali. Maaari kayong magbasa nang higit pa sa tekstong Paghahanap ng Trabaho.

Paghahanap ng mga Pagsasanay

Maaari kayong magsanay sa maraming kumpanya at sa halos lahat ng lugar o industriya. Upang magsimula ng isang pagsasanay ay kailangan ninyo ng hindi bababa sa sertipiko ng sekondaryang paaralan. Minsan kailangan rin ang diploma na Realabschluss o kwalipikasyon sa pangkalahatang pasukan sa unibersidad (tignan ang tekstong: Sistema ng Paaralan). Kung wala kayong sertipiko ng pag-alis sa paaralan, napakahirap makakuha ng pagsasanay. Makakahanap kayo ng pagsasanay na tulad sa paghahanap ng trabaho. Kailangan rin ninyong magsulat ng isang aplikasyon. Sa tekstong Paghahanap ng Trabaho ay makikita ninyo ang mga karagdagang impormasyon at mga tip para sa aplikasyon at paghahanap ng trabaho.

Mayroon ding Sentro ng Impormasyon sa Karera (BIZ) sa bawat lungsod. Papayuhan kayo ng mga empleyado doon at tutulungan kayong makahanap ng posisyon sa pagsasanay. Mahahanap ninyo ang BIZ sa pamamagitan ng Ahensya para sa Trabaho sa inyong lungsod.

Sa Isang Pagsasanay

Mayroong dalawang magkakaibang uri ng bokasyonal na pagsasanay: pagsasanay sa paaralan at dalawahang pagsasanay. Ang bokasyonal na pagsasanay sa paaralan ay makukuha lamang sa isang bokasyonal na paaralan. Para magawa ito, kailangan ninyo ng kwalipikasyon mula sa paaralan at kung minsan ay karagdagang karanasan, tulad ng internship.

Ang dalawahang pagsasanay ay tinatawag ding pagsasanay sa kumpanya. Sa Alemanya ay karaniwang mayroong dalawahang pagsasanay. Mayroon ditong isang praktikal na bahagi at isang teoretikal na bahagi. Direktang ginagawa ang praktikal na pagsasanay sa isang kumpanya. At nag-aaral rin kayo sa isang bokasyonal na paaralan. Dito matututunan ang teorya para sa propesyon. At mayroon ding ilang mga pangkalahatang paksa tulad ng wikang Aleman, pulitika, o palakasan.

Ginagawa ninyo ang praktikal na pagsasanay sa kumpanya. Nagtatrabaho kayo ng 3 hanggang 4 na araw sa isang linggo sa kumpanya at gumugugol ng 8 hanggang 12 oras sa isang linggo sa bokasyonal na paaralan. O gumugugol kayo ng ilang linggo sa kumpanya at ilang linggo sa bokasyonal na paaralan.

Pagkatapos ng unang kalahati ng pagsasanay ay kailangan ninyong kumuha ng pagsusulit sa kalagitnaan. Ang mga nagsasanay ay nagpapakita kung ano ang kanilang natutunan. Sa pagtatapos ng pagsasanay, kukuha muli kayo ng huling iksamen. Pagkatapos ay makakatanggap ang mga nagsasanay ng sertipiko ng pagsasanay. Mahalaga ito kung gusto ninyong maghanap pagkatapos ng trabaho. Para sa mga karagdagang impormasyon, tingnan ang tekstong Paghahanap ng Trabaho.

Tagal ng Pagsasanay

Ang bokasyonal na pagsasanay ay karaniwang tumatagal ng 2 hanggang 3.5 na taon. Depende ito sa propesyon, at pati na sa kwalipikasyon mula sa paaralan. Sa Abitur ay kadalasang mas maikli ang panahon ng pagsasanay. Mayroon kayong hindi bababa sa 24 na araw o 4 na linggo ng bakasyon bawat taon sa isang pagsasanay. Gayunpaman ay posible lamang ito sa panahon na ang may pista at sarado rin ang bokasyonal na paaralan.

Mayroon ding mga kurso sa pagsasanay para sa mga propesyon na maaaring matutunan sa maikling panahon, hal. sa pangangalaga sa bata, pangangalaga sa matatanda, pagtutustos ng pagkain, o mga pampaganda. Karamihan sa mga ito ay mga kurso sa bokasyonal na pagsasanay na nakabase sa paaralan. Ang mga ganitong bokasyonal na pagsasanay ay tumatagal mula 1 hanggang 3.5 taon. Kumuha ng impormasyon mula sa Ahensya para sa Trabaho sa inyong lungsod.

Sahod

Kung gagawa kayo ng dalawahang pagsasanay sa Alemanya, makakakuha kayo ng pera. Binabayaran kayo ng employer ng suweldo. Ang suweldo ay nag-iiba depende sa propesyon at sa rehiyon kung saan kayo nagtatrabaho. Karaniwang tumataas ang suweldo pagkatapos ng bawat taon ng pagsasanay. Kadalasan ay hindi sapat ang suweldo upang mabayaran ang lahat ng mga gastos tulad ng upa, pagkain, libangan, atbp. Mayroong tulong pinansyal, hal. ang BAföG o vocational training allowance (BAB).

Magtanong sa Ahensya para sa Trabaho sa inyong lungsod. Hindi kayo nakakakuha ng suweldo para sa pagsasanay sa paaralan. Minsan kailangan ring magbayad ng mga bayarin sa paaralan.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami