Depende ito sa inyong bansang pinagmulan, inyong mga kwalipikasyon, at inyong edad.
Ang mga mamamayan ng EU at mamamayan ng EEA (European Economic Area) at Switzerland ay hindi nangangailangan ng bisa o permisong magtrabaho.
Ang mga mamamayan ng Australia, Israel, Japan, Canada, Republic of Korea, New Zealand, United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland, at USA ay maaaring pumunta sa Germany nang walang bisa. Pero kailangan rin nila ng permisong magtrabaho. Maaari kayong direktang mag-aplay para rito sa Tanggapan ng Imigrasyon sa Alemanya.
Kung galing kayo sa ibang bansa, kailangan ninyo ng bisa.
Dapat kayong mag-aplay para sa bisa para magtrabaho sa Alemanya o sa Embahada ng Alemanya (o sa konsulado). Kasama rin sa bisa ang permisong magtrabaho. Hindi ninyo kailangang mag-aplay nang hiwalay para rito.
Ngunit kailangan ninyo bilang karagdagan sa iba pang mga dokumento para sa bisa:
- isang partikular na alok ng trabaho o kontrata sa pagtatrabahoPalaging naaangkop ang sumusunod: Ang trabaho ay dapat pahintulutan. Nagtatanong ang Tanggapan sa Imigrasyon sa Pederal na Ahensya para sa Trabaho. Sinusuri nito kung ang mga kondisyon sa pagtatrabaho at sahod ay angkop. Pagkatapos ay nagbibigay siya ng kumpirmasyon, o hindi. Wala kayong kailangang gawin para dito.
- ang pagkilala sa inyong mga propesyonal na kwalipikasyonKakailanganin ninyo ito kung magtatrabaho kayo sa isang reguladong propesyon. Ito ay mga protektadong propesyon tulad ng doktor, tagapagturo o nars.
Maaari ninyong malaman kung aling mga propesyion ang kinokontrol dito
Mayroon ding bisa para sa proseso ng pagkilala ng kwalipikasyon sa Alemanya:
Kung magtatrabaho kayo sa isang hindi kinokontrol na propesyon, may iba pang kadalasang mas simpleng mga kondisyon para sa pagkilala.
Alamin ang higit pa dito: