Napakahalaga ng pamilya. Nagbibigay ito ng pag-ibig, suporta, at pagkakaisa. Maraming iba't ibang uri ng pamilya sa Alemanya. Naiiba ang bawat pamilya.
Sa maraming pamilya ay parehong nag-aalaga ang mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak. Kadalasang may isang magulang na may mas kaunting oras sa trabaho na gumugugol ng mas maraming oras kasama ang mga bata. Karamihan dito ay ang mga ina. Ngunit marami na at mas maraming mga ama na hindi nagtatrabaho at nag-aalaga rin ng mga bata.
Naghihiwalay ang ilang mga magulang, pero marami pa rin ang nag-aalaga sa mga bata nang magkasama, kahit na hindi na sila magkasamang nakatira. Ngunit mayroon ding mga pamilya na may isang magulang lamang. May mga rainbow families na kung saan ang mga bata ay may dalawang ina o dalawang ama. Mayroong mga patchwork families na kung saan nakatira nang magkasama ang mga anak ng iba't ibang mga magulang na kinasal muli. At may mga pamilya na kung saan ang mga kamag-anak o mga magulang ang nag-aalaga ng mga bata.
Pagbubuntis
Ang buhay kasama ang mga bata ay nagsisimula sa panahon ng pagbubuntis. Kung mayroon kayong anumang mga katanungan tungkol sa pagbubuntis, maaari kayong pumunta sa pagpapayo sa pagbubuntis.
Sa panahon ng pagbubuntis ay dapat kayong regular na pumunta sa isang gynecologist. Sinasagot niya ang inyong mga katanungan tumutulong sa kalusugan ng inyong anak. May katulad na mga gawain ang isang komadrona. Pinapayuhan niya kayo at tinutulungan kayo sa panahon ng pagbubuntis at kahit na pagkatapos ng kapanganakan ng inyong anak. Ang komadrona ay nariyan din para sa oras ng kapanganakan. Makakatulong sa inyo ang isang doktor na makahanap ng isang gynecologist at/o isang komadrona. Maraming kababaihan din ang pumapasok sa isang kurso sa paghahanda ng kapanganakan. Dito nagbibigay ng maraming mga tip para sa kapanganakan. At nakikipag-ugnay kayo sa ibang mga buntis na kababaihan.
Proteksyon para sa mga Ina, Parental Leave, at Panggastos para sa mga Magulang
Kung mayroon kayong isang permanenteng trabaho, maaari kayong makakuha ng proteksyon para sa mga ina bago kayo manganak. Hindi na ninyo kailangang magtrabaho sa oras na ito. Sa karamihan ng mga propesyon, ito ay nagsisimula anim na linggo bago ipanganak. Ang proteksyon para sa mga ina ay tumatagal ng hindi bababa sa 14 na linggo sa kabuuan. Maaari rin itong pahabain. Sa panahong ito, hindi kayo dapat mawalan ng trabaho dahil sa inyong employer.
Pagkatapos ng proteksyon para sa mga ina, maaari kayong kumuha ng parental leave: mananatili kayo sa bahay upang alagaan ang inyong anak. Hindi kayo nagtatrabaho sa oras na ito. Ang parental leave ay maaaring tumagal ng hanggang sa tatlong taon. Halimbawa, maaari lamang kayo kumuha ng parental leave para sa isang taon o dalawang taon. Maaari kayong makibahagi sa parental leave para sa inyong anak hanggang sa kanyang ika-8 na kaarawan. Nalalapat ito sa bawat magulang. Pagkatapos ay maaari kayong bumalik sa inyong trabaho.
Hindi laging madali ang buhay na may trabaho at pamilya. Mayroong ibibigay ang estado na panggastos para sa magulang sa Alemanya. Dapat nitong suportahan ang mga bagong pamilya. Sa unang labindalawang buwan ng parental leave ay makakakuha ng panggastos para sa magulang. Kung ang inyong kapareha ay may parental leave din, magiging 14 na buwan ito. Mayroon ding tinatawag na “ElterngeldPlus”. Makukuha iyon hanggang sa 24 na buwan. Ang halaga ng panggastos para sa magulang ay nakasalalay sa inyong net salary. Kailangan ninyong mag-aplay para sa panggastos para sa magulang. Nakukuha rin ito kapag walang trabaho.
Panggastos para sa mga Bata
Nagkakahalaga ito ng maraming pera upang magpalaki ng mga bata. Iyon ang dahilan kung bakit nakakakuha ng pera mula sa estado ang mga pamilya sa Alemanya. Maaaring gamitin ang perang ito upang mapasaayos ang kanilang buhay at hinaharap. Dapat kayong mag-aplay para sa panggastos para sa mga bata mula sa Pederal na Ahensya para sa Trabaho. Makakakuha kayo ng panggastos para sa mga bata hanggang sa ika-18 kaarawan ng inyong anak. Maaaring mas marami ang nakukuha ng taong mas kaunti ang kinikita.
Pagsusuring Pangkalasugan para sa mga Bata
Mahalaga ang kalusugan ng inyong mga anak. Iyon ang dahilan kung bakit may mga regular na pagsusuri or check-up sa pediatrician sa Alemanya. Tinitignan ng isang pediatrician ang inyong anak sa mga pagsusuring pangkalusugan ng bata. Sa ganitong paraan ay maaaring maagang malaman kung may mga posibleng problema at sakit. Halimbawa, sinusuri ng doktor ang bigat at laki ng inyong anak. Tinitingnan niya kung ang bata ay lumalaki nang maayos. Sa bawat pagsusuri ay may tinatala ang doktor sa isang listahan. Libre ang mga pag-check-up na ito. Mahalagang hindi kalimutan ang isang pagsusuring pangkalusugan ng bata. Nagbibigay rin ang pediatrician ng bakuna para sa inyong anak.
Sa Alemanya ay mayroong iba't ibang mga pagpipilian para sa pag-aalaga sa inyong mga anak. Basahin ang aming impormasyon sa teksto na "Pag-aalaga sa Bata".
Libangan
Sa inyong libreng oras ay marami kayong magagawa kasama ang inyong mga anak: May mga palaruan para sa maliliit na bata sa labas. Ang mga matatandang bata, halimbawa, ay maaaring sumali sa isang sports club. May mga swimming pool sa labas sa panahon ng tag-init at mayroong mga swimming pool sa loob sa panahon ng taglamig. Sa panahon ng bakasyon sa paaralan ay may mga espesyal na alok ang mga lungsod para sa mga bata na hindi gaanong magastos. Makakakuha kayo ng higit pang impormasyon mula sa Opisina para sa Kapakanan ng Kabataan at sa munisipyo sa inyong lungsod. Maraming mga club ang nag-aalok din ng mga aktibidad sa paglilibang na naaayonpartikular para sa mga bata. Matatagpuan ang karagdagang impormasyon sa aming tekstong "Paglilibang".
Sa Alemanya ay madalas makipagkita ang mga bata sa kanilang mga kaibigan. Halimbawa, binibisita nila ang isa't isa sa bahay at naglalaro. Kung minsan inaanyayahan ng mga bata ang ibang mga bata na matulog sa kanilang tahanan. Maraming mga bata ang nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa isang party. Inaanyayahan nila ang ibang mga bata na gawin ito. Madalas sa bahay ang mga party. May mga nakakatuwang laro at cake. Pero may mga party din kung saan nag-o-outing ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak.
Mga alitan, krisis at karahasan sa pamilya
Ang buhay pampamilya ay hindi laging madali. At ang pagpapalaki ng mga bata ay maaaring maging sanhi ng stress. Hindi rin madaling panahon ang pagdadalaga o pagbibinata. Ang magkakaibang ideya, pagseselos, o mga hindi inaasahang sitwasyon sa buhay ay maaari ding humantong sa mga pagtatalo at krisis sa pamilya. Maaaring makatulong ang mga sentro ng pagpapayo sa paghahanap ng paarang makakalutas ng problema ng pamilya.
Masama na ba ang sitwasyon sa pamilya ninyo? Mayroon bang pisikal o sekswal na karahasan? Kahit ang mga salita ay maaari ding maging marahas. Madaliang humingi ng tulong. Mayroong mga numero para sa mga emergency at mga sentro ng payo. Huwag mag-alinlangan. Mayroon ding mga espesyal na serbisyo ng suporta para sa kababaihan.
Ang sinumang babae na may permanenteng trabaho ay maaaring pumunta sa maternity leave o kumuha ng proteksyon para sa mga ina. Karaniwan itong nagsisimula 6 na linggo bago ang kapanganakan. Gumagamit ba kayo ng mga nakakalason na sangkap, hal. sa isang laboratoryo? Bawal kayong magtrabaho roon kung buntis kayo at mag-maternity leave agad.
Ang mga ina at ama ay maaaring kumuha ng parental leave kung sila ay may permanenteng trabaho. Sa panahong ito ay hindi kayo magtatrabaho. Mananatili kayo sa bahay kasama ang inyong anak. Ang parental leave ay tumatagal ng hanggang 3 taon. Gayunpaman, maaari rin kayong kumuha ng parental leave sa loob lamang ng isa o dalawang taon o ilang buwan. Maaari kayong kumuha ng bahagi ng inyong parental leave hanggang sa ika-8 kaarawan ng inyong anak. Nalalapat ito sa bawat magulang. Pagkatapos ay maaari kayong bumalik sa inyong trabaho.
Depende ito sa residency status. Dapat kayong mag-aplay para sa panggastos ng magulang sa loob ng unang tatlong buwan pagkatapos ng kapanganakan. Ang karagdagang impormasyon ay matatagpuan sa Federal Ministry for Family Affairs, Senior Citizens, Women and Youth (BMFSFJ).