Cellphone at Internet

Gusto ba ninyong tumawag sa telepono, mag-surf sa internet, makipag-chat at magpadala ng SMS? Kailangan ninyo ng mobile phone provider. Maraming mobile phone provider sa Alemanya. Mayroong malawak na pagpipilian ng mga kontrata o prepaid na SIM na may iba't ibang halaga. Kung madalas kayo tumawag gamit ang telepono at kung gusto ninyong mag-surf sa internet nang madalas habang nasa daan, maghanap lamang ng babagay sa kailangan ninyo.

Audio-Player: Artikel anhören

Artikel anhören

Handy und Internet

Person bedient ein Smartphone © Goethe-Institut/ Gina Bolle

Mobile Phone Provider at mga Taripa

May mga flat rate. Nagbibigay-daan ito sa inyo na makatawag nang walang limitasyon at magpadala ng mga SMS. Mayroon ding mga inclusive package para sa isang partikular na dami ng data load. Gamit ang data ay maaari kayong mag-surf sa internet gamit ang inyong telepono. Kung naubos na ang load ng inyong data, maaari kayong bumili ng bagong data load. Pero dapat mag-ingat: Kailangang bayaran ito. Kung minsan ay awtomatikong dinadagdag ang data. I-off ito para hindi magbayad nang malaki. Gumamit lang ng karagdagang dami ng data kapag kailangan na ito. Mayroon ding mga taripa na walang flat rate o inclusive package. Magbabayad kayo para sa bawat tawag, bawat SMS, at bawat paggamit ng internet.

Ikumpara ang iba't ibang mga alok. Magagawa ito hal. sa mga portal ng pagkukumpara:

Internasyonal na Tawag

Gusto ba ninyong tumawag sa ibang bansa mula sa Alemanya? Maaari itong maging napakamahal sa pamamagitan ng landline o cellphone. Pinakamainam na gumamit ng WhatsApp, Skype, o mga katulad na serbisyo. Nagbibigay-daan ito sa inyo na tumawag sa internet. Wala itong karagdagang gastos. Maaari ring tumawag sa ibang bansa gamit ang mga phone card o prepaid card. Ginagawa nitong mas mura ang mga tawag. Maaaring makuha ang mga ito sa mga supermarket o iba pang mga tindahan.

Madalas ba kayong pumunta sa ibang bansa at gusto ninyong tumawag sa telepono o gumamit ng internet gamit ang inyong SIM mula sa Alemanya? Maaari kayong tumawag sa loob ng EU, Norway, Iceland at Liechtenstein nang walang karagdagang bayad. Maaaring maging magastos ito sa ibang bansa. Bigyang-pansin ang mga singil sa roaming para sa SMS, mga tawag sa telepono at internet. Alamin muna ang mga gastusin sa ganoon. Maaaring isara ang data roaming sa ibang bansa at gamitin lamang ang internet sa pamamagitan ng mga Wi-Fi network hal sa mga hotel o café.

Mayroon ding mga espesyal na internasyonal na taripa. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong mobile phone provider para sa mga karagdagang impormasyon.

Kontrata sa Telepono (Postpaid)

Maaari ring magkaroon ng kontrata sa isang mobile phone provider. Ang pinakamagandang gawin ay pumunta sa isang tindahan at humingi ng payo. Babala: Huwag na huwag pumirma ng kontrata na hindi ninyo naiintindihan. Basahin nang mabuti ang kontrata. Humingi ng tulong sa pagsasalin. Maaari ring mag-book ng kontrata sa website, lagdaan ito, at ipadala sa provider. Karaniwang gustong makita ng provider ang inyong ID o pasaporte at isang sertipiko ng pagpaparehistro.

Ang kontrata ng cellphone ay karaniwang tumatagal ng isa hanggang dalawang taon. Kadalasang hindi posible na wakasan ang kontrata nang maaga. Karaniwang binabayaran ang bill sa katapusan ng buwan. Maaari ninyong wakasan ang inyong kontrata anumang oras pagkatapos mag-expire ang minimum na termino na may isang buwang paunawa.

Prepaid na SIM

Ang isa pang pagpipilian ay ang prepaid SIM. Ang mga prepaid na SIM ay kadalasang murang mabibili sa mga supermarket, gasolinahan o kiosk.

Binili ba ninyo ang prepaid na SIM nang direkta mula sa mobile phone provider? Maaari ninyong i-activate ang SIM sa tindahan. Kakailanganin ninyo ang inyong ID o pasaporte. Minsan kailangan rin ng stay permit. Makakatanggap rin kayo ng tulong dito. Halimbawa: Binili na ninyo ang prepaid SIM sa isang supermarket? Maaari ninyong patunayan ang inyong pagkakakilanlan gamit ang proseso ng pagkilala sa video o sa isang sangay ng Deutsche Post.

Ngayon kailangan ninyo ng kredito o load. Maaaring bumili ng cardpara rito sa supermarket o kiosk. Mayroong mahabang numero sa mga mga card na ito. Kailangang ilagay ang numerong ito sa inyong telepono. Minsan maaari rin itong bilhin nang direkta mula sa app ng mobile phone provider. Nauubos ang load kapag tumatawag, nagpapadala ng mga SMS at nagsu-surf sa internet.

WLAN

Gusto ba ninyong mag-surf sa internet nang libre? Kadalasang mayroong libreng Wi-Fi sa mga café, aklatan, o iba pang pampublikong gusali. May mga website sa internet na nagpapakita sa inyo ng mga Wi-Fi network sa inyong lugar. Pansinin: Marami sa mga WLAN network na ito ay hindi naka-encrypt. Maaaring makita ng ibang tao ang inyong personal na impormasyon.

Internet sa Bahay

Mayroong iba't ibang mga opsyon at taripa para sa isang koneksyon sa internet sa inyong tahanan. Dito ay dapat din ninyong isipin: Ano ang kailangan ninyo? Gusto ba ninyo ng internet o landline na telepono? Madalas ba kayong mag-internet at minsan lang nanonood ng mga pelikula o nakikinig ng musika? Kung gayon, ang koneksyon sa internet ay hindi kinakailangang maging napakabilis. Gumagamit ba kayo ng ilang mga device na sabay-sabay nakakabit sa internet, nagtatrabaho sa inyong laptop sa bahay, nanonood ng maraming de-kalidad na pelikula o nag-vi-video call kasama ang inyong pamilya? Malamang na kailangan ninyo ng mas mabilis na koneksyon sa internet.

Ikumpara ang mga iba’t ibang alok: Maglagda ng isang kontrata sa internet provider. Wala ritong prepaid na opsyon. Basahing mabuti ang kontrata. Pumirma lamang kung naiintindihan ang lahat. Pansinin: Minsan ay mas mura ang buwanang bayad sa simula. Pagkatapos ng ilang buwan, mas malaki na ang bayarin. Karaniwang may terminong labindalawa hanggang 24 na buwanang mga kontrata. Ang mga panahon ng paunawa para sa pagwakas ng kontrata ay kadalasang pareho sa kontrata ng cellphone. Pero mayroon ding mga taripa na walang nakapirming termino.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami