Collage mit Fotos und Texten zum Wettbewerb "Mein Deutschland" Grafik: Vera Damrath © Goethe-Institut

Ang imbestigasyong pag-aaral (Der Übergang von der vorintegrativen Sprachförderung zum Integrationskurs) (2011) ukol sa pagpapatuloy ng pagpapaunlad ng kaalaman sa German mula sa pre-integration stage patungo sa kursong pang-integrasyon ay nagpakita na ang mga bagong imigrante na nakapasa na sa A1 exam sa German, bilang requirement sa pag-a-apply ng visa, ay kadalasang matagal naghihintay o dapat maghintay bago nila muli masinsinang itaguyod at pag-aralan ang wika at kultura sa isang kursong pang-integrasyon. Ipinakita rin ng imbestigasyong pag-aaral na may kakulangan sa mga impormasyon, materyal sa pagsasanay at pag-aaral na tumutugon sa pangangailangan ng grupong tinutukoy, na maaaring gamitin sa pag-aaral nang walang guro habang hindi pa sila nagsisimula ng kurso. Dahil sa pagkukulang na ito, ang kaalaman sa German ay kadalasang nalilimutan na bago sila pumasok sa kursong pang-integrasyon. Mataas pa rin naman ang motibasyon ng mga imigrante na matuto ng wika, ayon din sa kanila. 

Zur Studie „Der Übergang von der vorintegrativen Sprachförderung zum Integrationskurs“

Ang internet portal na „Mein Weg nach Deutschland“, pangunahing paksa ng proyektong „Mein Weg nach Deutschland“ (co-financed ng mga pondo ng Asylum, Migration and Integration Funds, AMIF), ay ang tugon ng Goethe Institut sa kakulangang ito. 

Ang proyektong ito ay may layunin na mapahusay ang transisyon sa pagitan ng mga inaalok sa pre-integration stage na impormasyon, materyal sa pag-aaral at konsultasyon sa ibang bansa at mga inaalok ng pamahalaan na pangunahing suporta sa pag-aaral ng wika at karagdagang kurso para sa integrasyon sa Germany. Ang internet portal ay naglalayon na mapabuti at mapalalim ang mga kaalaman sa wika at sa kultura ng bansa na natutunan sa pre-integration stage. Higit pa dito, makakamit ng mga espesyal na mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng mga inaalok sa portal na ito, ang mga ibat iba at mahahalagang kaalaman na kailangan sa pamumuhay sa Germany tulad ng paggamit ng iba’t ibang media o pangunahing kaalaman sa pagsisimula sa Germany. 

Ang mga guro at taga-payo ay may makikitang 5-minutong pelikula na nagbibigay ng impormasyon ukol sa portal at isang 30-pahina na pdf na dokumento sa bahaging „Para sa mga Nagtuturo“ (Für Unterrichtende). Ang dokumentong ito ang maggagabay sa paggamit ng portal sa pagtuturo sa klase. 

„Para sa mga Nagtuturo“

Sa puntong ito maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa proyektong ito; ang mga manunulat, developer, filmaker, graphic artist, editor, eksperto, na nag-ambag ng kanilang kaalaman upang ang portal na ito na may malawak na saklaw ay online na! Sila ay karaniwang binabanggit sa mga pagsasanay sa bahaging „Deutsch üben“. Nais din naming pasalamatan ang mga manunulat at editor na sina Stefan Münchow, Freya Conesa, Joanna Chlebnikow, Csaba Gloner, Janna Degener, Ellen Bachmann, Marion Hollerung at Julia Meyer/International Research Center for Multilingualism, para sa paglikha at pagproseso ng mga sentral na pagsasanay at nilalamang text ng portal na ito. 

Nais din naming pasalamatan ang European Union para sa pinansiyal na suporta, kung hindi dahil dito, hindi maisasakatuparan ang lahat ng ito.