Pasaporte at Bisa

Schild an Hauswand des BAMF © Gina Bolle

Kailangan ang isang pasaporteng may bisa o isang dokumento na nagpapatibay ng inyong pagkakalilanlan upang makapasok sa Alemanya. Kung pupunta kayo sa isang tanggapan ng gobyerno, kailangan din ninyo ng pasaporte. Ang mga mamamayan mula sa mga bansang hindi kaparte ng European Union (EU) ay nangagailangan din ng bisa.
Makakakuha kayo ng bisa mula sa Embahada ng Alemanya (o di kaya’y sa Konsulado ng Alemaya) sa inyong bansa. Mayroon na kayong kontrata para sa trabaho o di kaya’y may kamag-anak na naninirahan na rito? Mayroon na kayong bokasyonal na pagsasanay o di kaya’y may karanasan na sa trabaho? Maaari kayong mas madaling makakuha ng bisa. Makakahanap kayo ng impormasyon sa Tanggapan sa Ibang Bansa (“Auswärtiges Amt”) o sa portal ng Pederal na Pamahalaan para sa mga Bihasang Manggagawa mula sa Ibang Bansa (“Bundesregierung für Fachkräfte aus dem Ausland”) na tinatawag na “Make it in Germany”.

Tanggapan ng Pagpaparehistro ng Residente at Permisong Manatili

Sa Alemanya ay kailangang magrehisto muna sa Tanggapan ng Pagpaparehistro ng Residente (“Einwohnermeldeamt”). Kadalasan ay mahaba ang oras sa paghintay, kaya’t mainam na magpa-appointment na nang maaga. Maaaring mag-book ng appointment sa internet. I-search ang salitang “Einwohnermeldeamt” (ang Tanggapan ng Pagpaparehistro ng Residente) at ang inyong lungsod sa Alemanya. Pagkatapos ay pumunta kayo sa Tanggapan ng Imigrasyon (“Ausländerbehörde”). Makakatanggap kayo roon ng permisong manatili (“Aufenthaltstitel”), isang dokumentong nagpapatibay ng inyong residency status. Dito makikita kung hanggang kailan kayo maaaring manatili sa Alemanya at kung maaari kayong magtrabaho.

Checklist para sa unang gagawin sa Alemanya

  • Kurso para sa integrasyon: Hindi kayo gaanong marunong mag-Aleman? Maaari kayo o kailangan ninyo kumuhang isang kurso para sa integrasyon. Maaaring makahanap ng higit pang impormasyon sa Kurso para sa Integrasyon
  • Paghanap ng trabaho at pagsasanay para sa trabaho: Tutulong ang Ahensya para sa Trabaho upang makahanap kayo ng trabaho. Nagbibigay-alam din ito ukol sa mga pagsasanay at kurso. Maaaring makahanap ng higit pang impormasyon sa mga tekstong Paghahanap ng Trabaho, Pag-aaral, at Pagsasanay.
  • Mga Batang Anak at Pag-aaral: Dapat mag-aral ang mga bata sa mga paaralan sa Alemanya. Maaaring makahanap ng higit pang impormasyon sa mga tekstong Pag-aalaga sa mga Bata at Sistema ng Paaralan.
  • Mga Seguro: May mga mahahalagang seguro: lalo na ang seguro para sa kalusugan, seguro para sa pensyon, at seguro para sa pag-aalaga. Maaaring makahanap ng higit pang impormasyon sa mga tekstong Kalusugan at Mga Seguro.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami