Pagkakasal

Hände mit Ringen © Goethe-Institut

Sa maraming bansa ay nagpapakasal ang mga tao sa Tanggapan ng Pagpapatala. Ito ay isang sibil na kasal. Ganito rin ang kaso sa Alemanya. Sa ganitong paraan lamang kinikilala ang isang kasal. Pagkatapos nito ay maaari ring magpakasal sa simbahan. Upang magpakasal, dapat na hindi bababa sa 18 taong gulang ang parehong taong magpapakasal.

Audio-Player: Artikel anhören

Artikel anhören

Heirat

Pag-aasawa para sa lahat

Sa Alemanya ay maraming mga magkasintahang hindi pa kasal ang magkasamang nakatira. Ganito rin ang kaso para sa mga pamilyang may mga anak. Lahat ay malayang magdesisyon.

Mula noong Oktubre 1, 2017 ay maaari nang magpakasal sa Alemanya ang mga magkasintahang magkapareho ang kasarian, ibig sabihin, isang lalaki na ikakasal sa isang lalaki o isang babae na ikakasal sa isang babae. Pareho ang kanilang mga karapatan at obligasyon. Ang ibig sabihin nito, halimbawa, ay pinapayagang mag-ampon ng mga bata. Maaaring kunin ang pangalan ng inyong partner. Dapat nandiyan sila para sa isa't isa.

Mga Dokumente

Gusto niyo bang magpakasal sa Alemanya? Magrehistro sa Tanggapan ng Pagpapatala kung saan kayo nakatira. Kakailanganin ninyo ang ilang mga dokumento: ang inyong ID o pasaporte, ang inyong sertipiko ng kapanganakan, ang inyong sertipiko ng pagpaparehistro, at isang sertipiko ng kawalan ng hadlang upang magpakasal. May mga anak ba kayo? Kailangan rin ninyong dalhin ang mga dokumento ng mga bata. Tanungin ang inyong Tanggapan ng Pagpapatala kung kailangan ninyo ng anumang karagdagang mga dokumento.

Dapat ay naisalin sa wikang Aleman ang mga dokumento mula sa inyong sariling bansa. Dapat lagdaan ng notaryo na tama ang mga pagsasalin. Dapat niyang patunayan ang mga pagsasalin.

Pagkatapos ng kasal ay makakatanggap kayo ng bagong dokumento mula sa Tanggapan ng Pagpapatala: ang sertipiko ng kasal. Kung nais ninyo ay maaari rin kayong makatanggap ng talaan ng pamilya na may impormasyon tungkol sa inyong pamilya.

Nagpakasal na ba kayo sa inyong sariling bansa? Maaaring kilalanin ang banyagang sertipiko ng kasal sa Tanggapan ng Pagpapatala. Magtanong sa Tanggapan ng Pagpapatala sa inyong lungsod.

Pista sa Kasal

Ang karamihan sa mga tao ay may malaking selebrasyon para sa kanilang kasal. Nag-iimbita ng mararaming bisita ang mga ikakasal. Dumarating ang mga kamag-anak tulad ng mga magulang, kapatid, lolo't lola, tiyahin, tiyuhin, pinsan. At dumarating din ang mga kaibigan. Madalas ding dumarating ang mga kasamahan sa trabaho. Kadalasan mayroong mga 100 bisita sa isang kasal sa Alemanya. Kaya hindi gaano kalaki ang mga pagdiriwang na ito gaya sa ilang mga ibang bansa.

May pagkain, musika, at sayawan. Magkasamang sumasayaw ang ikakasal at nanonood ang mga bisita. Sabay silang maghihiwa ng wedding cake. Minsan ay may mga laro din para sa mga ikakasal. Madalas na nakasuot ng puting damit-pangkasal ang babae. Maraming mag-asawa ang bumibili ng singsing para sa kasal. Nagdadala ng mga regalo ang mga bisita. Kadalasang binibigyan nila ng pera ang ikakasal. Maaari ring tanungin ng mga bisita ang mag-asawa nang maaga kung ano ang gusto nila.

Muling Pagsasama-sama ng Pamilya

Nasa inyong sariling bansa pa ba ang inyong asawa? Maaari ninyong dalhin ang inyong pamilya sa Alemanya. Kailangan ninyo ng limited residence permit para rito. Nalalapat lamang ito sa mga asawa at mga anak na hindi pa 18 taong gulang. Ito ay tinatawag na family reunification o spouse reunification. Pinapayagan din ang ilang mga internasyonal na propesyonal na dalhin ang kanilang mga magulang at biyenan sa Alemanya. Nalalapat ito kung natanggap ninyo ang inyong limited residence permit pagkatapos ng Marso 1, 2024.

Mayroong ilang mga patakaran para rito. Dapat kaya ninyong tustusan ang inyong pamilya. Dapat may espasyo ang inyong pamilya sa inyong apartment. Kailangan ninyo ng segurong pangkalusugan. Nangangailangan ng pangunahing kaalaman sa wikang Aleman ang inyong asawa. Kailangan niya ng sertipikong pangwika para rito. Ang dokumentong ito ay nagsasaad na siya ay may kakayahang magsalita ng wika na hindi bababa sa antas na A1. Ang mga batang wala pang 16 taong gulang ay hindi nangangailangan ng pagsusulit sa Aleman.

Paghihiwalay

Hindi na ba maganda ang kasal ninyo? Marami ba kayong pinagtatalunan? Subukan muna ang pagpapapayo sa kasal o couples therapy. Makakatulong ito minsan.

Ngunit minsan may mga dahilan para sa paghihiwalay o diborsyo. Ang hiwalayan ay hindi ganoon kadali. Dapat munang mamuhay nang hiwalay sa loob ng isang taon. Kumuha ng payo. Tumutulong ang mga sentro ng pagpapayo sa mga legal na tanong o tanong tungkol sa mga bata, hal. kung kanino dapat tumira ang mga bata o kung sino ang dapat magbayad ng magkano.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami