Multilingguwalismo

Kinderzeichnung © Goethe-Institut/ Simone Schirmer

Kung sinuman ang magaling magsalita ng higit pa sa isang wika ay mas lamang sa pribadong buhay at sa trabaho. Marami ang natututunan ng mga taong maraming sinasalita tungkol sa ibang kultura. Mayroon silang mga perspektibong interkultural at mas naiintindihan nila ang iba pang mga pananaw. Maaari silang lumahok nang mas aktibo sa lipunan.

Audio-Player: Artikel anhören

Artikel anhören

Mehrsprachigkeit

Mga Kalamangan ng Multilingguwalismo

Nakatira sa Alemanya ang mararaming tao mula sa iba’t ibang bansa. Sila ay bumubuo sa higit sa 20 porsyento ng populasyon ng Alemanya. Marami sa mga taong lumipat sa Alemanya ay natuto ng Aleman bilang banyagang wika o ikalawang wika. Mahalaga para sa kanila ang wikang Aleman. Maaari silang makipag-usap sa ibang tao. Maaari silang makahanap ng trabaho nang mas madali. Maaari nilang maunawaan ang kulturang Aleman nang mas malalim. Pero importante din ang sariling wika o ang katutubong wika.

Pagtataguyod ng Wikang Aleman

Napakahalaga ang wikang Aleman para sa mga matatanda at bata. Ginagawa nitong mas madali pakikikipag-usap para sa inyo. Mas madali kayong makakahanap ng mga kaibigan. Kailangan ng mga may hustong gulang o mayor de edad ang wikang Aleman para sa trabaho at sa pang-araw-araw na buhay, tulad ng pamimili o pakikipag-usap sa mga opisina ng gobyerno. Pero may maraming opisina rin na nagbibigay ng impormasyon sa iba't ibang wika. Makakakuha rin kayo ng tulong mula sa mga interpreter. Nagsasalita sila ng wikang Aleman at ng inyong wika. Maaari nilang isalin ang mga bagay na hindi ninyo masabi o maintindihan. Kailangan din ng mga bata ang wikang Aleman para sa paaralan. Natututunan ang isang wika sa pamamagitan ng pakikinig, pagbabasa, pagsasalita at pagsusulat. Ang mga nasa hustong gulang ay maaaring dumalo sa isang kursong pang-integrasyon o iba pang kurso sa wikang Aleman. Makakahanap ng higit pang impormasyon sa tekstong “Kursong Pang-Integrasyon”.

Kailangan ninyo ng madalasang pakikipag-ugnayan gamit ang wika at mararaming pagkakataon para magsanay. Dapat na madalas gamitin ang wikang Aleman. Pinakamainam ang mga totoong sitwasyon, hal. kapag namimili. Makipag-usap nang madalas sa mga tao na Aleman ang wikang kinagisnan.

Karaniwang natututo ang mga bata ng wikang Aleman sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikipaglaro sa ibang mga bata at matatanda, hal. sa daycare o paaralan. Ang mga batang ito ay lumaki sa maraming wika (bilingual). Ang pagbabasa ng mga libro nang malakas ay nakakatulong sa pag-aaral ng wikang Aleman.

Mayroong iba't ibang mga programa para sa mga daycare center at elementarya, hal. ang German preparatory course o German support classes. Kung ang isang bata ay hindi pa nagsasalita ng sapat na Aleman, makakatanggap siya ng tulong. Mayroon ding mga sentro ng pagpapayo. Nagbibigay sila ng mga tip at impormasyon.

Pagtataguyod ng Katutubong Wika

Dapat ding makapagsalita nang maayos ang inyong mga anak sa kanilang sariling wika. Nakakatulong din ito sa kanila na matuto ng iba pang mga wika. Sa pamamagitan ng kanilang sariling wika ay marami rin silang natututunan tungkol sa kultura at tradisyon ng kanilang sariling bayan. Sa mararaming pamilya, iisang wika ang salita ng ina at ama. Naiiba rin ito sa ibang mga pamilya. Dapat silang magsalita ng kanilang sariling wika sa mga bata. Maaaring madalas na magbasa para sa mga bata, kumanta, at maglaro. Maaari ring makipag-usap sa mga miyembro ng pamilya sa telepono.

Sa malalaking lungsod ay madalas mayroong mga bilingual na daycare center o mga internasyonal na paaralan. Maraming mga konsulado at asosasyon ang nag-aalok ng mga aralin sa katutubong wika para sa mga bata sa paaralan. Natututong magbasa at magsulat ang mga bata sa kanilang sariling wika. Makakatanggap rin ng impormasyon tungkol sa buhay at mga tradisyon sa inyong sariling bansa. Sa ilang pederal na estado ay makukuha rin ang suporta sa wika sa mga normal na paaralan. Ang ganitong uri ng klase ay tinatawag na mother tongue supplementary instruction (MUE).

Makakahanap rin kayo ng mararaming alok sa Internet, gaya ng mga playgroup para sa mga bata, sports club, o group excursion. Nagbibigay-daan ito sa mga bata at magulang na magsalita ng kanilang sariling wika sa ibang mga lugar.

Mga Tip para sa Pagpapalaki nang May Mararaming Wika

  • Nagpapadali sa pag-aaral ang isang positibong saloobin sa wika.
  • Dapat makipag-usap ang ama at ina sa mga bata sa kanilang sariling wika.
  • Gamitin ang sariling wika sa bahay.
  • Huwag pilitin ang mga bata na magsalita ng isang partikular na wika. Minsan ayaw ito ng mga bata. Magsasalita lamang sila ng wikang gusto nila. Maaring ring magbago ito.
  • Isulong ang wikang Aleman bilang karagdagan sa katutubong wika.
  • Nag-aalok ng tulong at suporta ang mga sentro ng pagpapayo. Maghanap sa Internet para sa "interkulturelle Beratungsstelle" (interkultural na sentro ng pagpapayo) o "mehrsprachige Beratungsstelle" (multilingual na sentro ng pagpapayo).

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami