Pamimili

Fahrrad mit Körben und Einkaufstaschen © Goethe-Institut

Mayroong mga supermarket sa lahat ng mga lungsod pati na sa ilang mga nayon sa Alemanya. Karaniwang makukuha doon ang lahat ng mahahalagang bagay para sa pang-araw-araw na buhay: tinapay, karne, prutas at gulay, gatas at yoghurt, tsokolate, mga panlinis, tisyu at marami pang iba. May iba't ibang oras ng pagbubukas ang mga tindahan sa Alemanya. Karaniwang bukas na ang mga supermarket mula 7 ng umaga hanggang 8 ng hapon.

Mga tindahan at negosyo sa pang-araw-araw na buhay

Kung gusto ninyong bumili ng sariwang pagkain, may mga lingguhang palengke isang beses o dalawang beses sa isang linggo sa maraming lugar. Madalas itong nagaganap tuwing Sabado. Sa lingguhang palengke ay maaaring makakuha ng sariwang prutas, gulay, at rehiyonal na espesyalidad. Makakahanap ng sariwang karne at sariwang sausage sa supermarket o sa mga tindahan ng karne (sa Timog-Alemanya ay tinatawag silang mga “Metzgerei”). Maaari kayong bumili ng sariwang tinapay sa mga panaderya.

Ang mga panaderya,  at iba pang maliliit na tindahan sa maliliit na bayan at nayon ay kadalasang nagsasara nang maaga o bukas lamang ng ilang oras sa isang araw. Ang mga lingguhang pamilihan ay karaniwang tumatagal mula umaga hanggang hapon. Ang lahat ng mga tindahan ay sarado sa Linggo. Tanging mga panaderya, tindahan sa mga istasyon ng tren, at gasolinahan ang madalas na bukas tuwing Linggo at mga pampublikong araw ng walang pasok o pista.

Serbisyong padala

Malayo ba mula sa inyo ang pinakamalapit na supermarket? O ayaw ninyo lumabas ng bahay para mamili? Maaari kayong gumamit ng serbisyong padala. May magdadala ng mga bilihin o pang-araw-araw na gamit sa inyong tahanan. Hanapin sa internet ang salitang "Lieferservice Lebensmittel" at ang inyong lungsod. Karaniwang sinasagutan ang isang online form. Nag-aalok din ang mararaming supermarket ng serbisyong padala. Pero ang serbisyong ito ay nagkakahalaga ng higit pa kaysa sa pamimili sa tindahan. Mayroon ding mga serbisyong padala na nag-aalok ng mga pagkaing nahanda na. Maaari ring tumawag dito o mag-order sa internet.

Deposito (para sa mga bote at lata)

Sa Alemanya ay mayroong deposito sa lahat ng mga lata ng inumin, mga plastik na bote, at mararaming mga bote na gawa sa salamin. Magbabayad ng kaunti para sa lata o bote (karaniwan ay nasa pagitan ng 8 at 25 cents). Maibabalik ang inyong pera kung ibibigay ang mga walang laman na lalagyan sa tindahan.

Kadalasang mayroong mga vending machine para sa mga walang laman na bote at lata sa supermarket o tindahan ng inumin. Pagkatapos ay makakatanggap kayo ng isang piraso ng papel na ibibigay mo sa kahera. Pagkatapos ay ibabalik ang pera. Dadalhin ang mga boteng walang deposito na gawa sa salamin sa lalagyan ng salamin.

Mga espesyalistang tindahan at internet

Kung gusto ninyong bumili halimbawa ng aparador, kompyuter, o isang pares ng sapatos, maaari kayong pumunta sa isang department store o espesyal na tindahan. Maraming iba't ibang produkto ang mga department store. Ang mga department store ay pangunahing matatagpuan sa mga lungsod. Ang mga espesyal na tindahan naman ay may espesyialidad sa partikular na produkto. Halimbawa, may mga tindahan ng muwebles, mga tindahan ng elektroniko o mga tindahan ng sapatos. Karaniwang mula 9 ng umaga hanggang 8 ng hapon, minsan hanggang 6:30 ng hapon ang mga oras na bukas ang mga tindahan.

Makukuha ngayon ang karamihan sa mga bagay sa internet. Kadalasang kailangan lamang maghintay ng ilang araw at ang mga produkto ay ihahatid sa inyo.

Pamimili ng segunda mano

Maaari ring bumili ng mga produktong nagamit na sa Alemanya, tulad ng mga damit, mga de-koryenteng kasangkapan, mga muwebles, mga aklat atbp. Madalas na mas mura ang mga ito.

Kadalasang mayroong mga flea market sa Sabado o Linggo lalo na sa malalaking lungsod. Dumadami na rin ang mga segunda manong tindahan. Hanapin lamang ang salitang "Flohmarkt" o "Second Hand" sa internet.

Madalas ring makakakita ng mga kalakal na nagamit na at mura sa internet. Mag-ingat nga lang, dahil hindi lahat ng binebenta dito ay lehitimo at totoo. Kabilang sa mga sikat na plataporma ang:

Pagbabayad

Karaniwan sa Alemanya ang iba’t ibang uri ng pambayad. Karaniwang maaaring magbayad kahit saan gamit ang pisikal na pera o Giro card (o EC card). Kung mayroon kayong checking account sa isang bangko o savings bank, makakatanggap kayo ng checking card o debit card at madalas ding credit card (MasterCard o Visa). Sa ilang supermarket, department store, at specialty store ay maaaring magbayad gamit ang credit card. Ang mobile na pagbayad, o ang pagbayad gamit ang inyong cellphone, ay karaniwan din sa Alemanya.

Maaaring magbayad online gamit ang inyong credit card at debit card, ngunit din sa pamamagitan ng direktang debit o invoice. Kung gusto ninyong magbayad sa pamamagitan ng direktang debit, dapat ilagay online ang mga detalye ng inyong account. Ibabawas ang bayad mula sa account ninyo. Para sa mga invoice naman ay ililipat ang bayad mula sa inyong account. Mayroon ding iba pang paraan ng pagbayad, hal. PayPal. Matatagpuan ang karagdagang impormasyon sa tekstong Pananalapi at Buwis.

Presyo, Garantiya at Palitan

Mayroong mga nakapirming presyo para sa lahat ng produkto sa karamihan ng mga tindahan. Sa merkado at may malalaking halaga sa mga espesyalistang tindahan ay maaari ring magpalitan minsan. Ngunit hindi ito karaniwan.

May nabili na ba kayo pero may sira ito? May karapatan kayo sa 2-taong warranty para sa mga produkto: makakatanggap kayo ng bagong produkto. O maaaring ibalik ang sirang produkto at kunin muli ang inyong pera. O kailangang magbayad nang kaunti. Para sa mga produktong nagamit na ay 12 buwan naman na ang tagal para rito. Minsan may garantiya din sa mga produkto. Kung ang produkto, hal. isang telebisyion, ay nasira sa panahon ng warranty, aayusin ito nang walang bayad. O mayroon kayong bagong telebisyon. Ang panahon ng garantiya ay 12-24 na buwan mula sa unang petsa ng pagbili.

Kung hindi na ninyo gusto ang produkto at hindi pa ito nagagamit, maaari itong ipagpalit para sa ibang produkto. Karaniwan rin itong maibabalik. Pagkatapos ay makukuha ninyo ulit ang inyong pera. Ang pagpalit ng gamit o pagbalik ng gamit ay karaniwang posible sa loob ng 14 na araw. Kailangang ipakita ang resibo o invoice. Madalas na hindi maaaring palitan ang mga espesyal na alok.

Kadalasang Itinatanong

Sundan kami